Batid kong walang katugunan
ang aking pagsuyong banal
sa tulad mong binibini
na may iba ng minamahal,
ngunit dalangin ko'y di ihihimpil
sa piitan ng kasiphayuan
yamang ang puso'y nananalig
na sa kabilang daigdig
ako'y mapagbibigyang ika'y mahagkan.-christianb