Naninibugho ako sa ulan
na dumadampi sa iyong balat,
kung paano ka hinahagkan
ng walang pag-aalinlangan.
Mapagbibigyan din kaya ng langit
na ako'y mapatak sa iyong tabi
ng walang agam na tutudyo
sa matimyas kong hangarin.
-ChristianB
