Kutyang ibig ng karimla'y nanaig,
Balikutsang ligaya'y namait sa isang kabig,
Pag-ibig na tinagping garing,
Ngayo'y isang dampang tinupok ng lamig.Alpombrang pula noon sa dambana,
Nahabing lambong, lundayan na ng luha.
Mga gabing tila bay tunog labaha,
Isipa'y naririndi, sugatang di makalaya.-ChristianB
