Apatnapu't Dalawa (Pagtangi)

5 1 0
                                    


Ako'y humakbang,
lumapit sa parang,
Marahang naglakad,
dinama itong kapayapaan.
Sa ilalim ng buwan,
Puso'y nag-aawitan,
Mga liriko'y alaala nitong kaligayahan.

Sa pusod ng dilim,
mata mo ang tangi kong bituin,
Lampara ng paligid na
saakiy nag-bibigay diin.
Mga rosas may umusbong,
Halimuyak mo pa din
ang tangi kong pipiliin,
Kawangis mo'y mga tala,
Di mapapagod na banggitin.

-ChristianB

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon