Di ko lubos maisip
Kay bilis ng iyong pag-alis
Alaala'y agad ipinutol
Naglakbay ng mabilisLuha ko ba'y nakikita?
Hinagpis bang ito'y iyong nadarama?
Bakit iniwan akong nag-iisa?
Nagdurugong nakaluhod
Ibinubulong ka sa mga talaSa iyong paglisan
Hiling ko'y isa na lamang
Nawa'y kalungin ka lagi
nitong tungkod ng kalangitan,
Mapayapang maglayag
kasama si amang
Ala'y ko'y pag-ibig
Sa iyong huling patutunguhan-ChristianB