Walumpu't Dalawa (Tangay)

2 0 0
                                    


Tinangay ako ng mga katanungang hindi ko kayang watasin at iniwan ako nitong nalulumos sa tabsing ng karagatan. Makailang ulit kong pinagmasdan ang iyong titig ngunit hindi ko maapuhap ang dilaab ng 'yong pagmamahal. Hindi ko lubos maunawaan, gaano ba katibay ang kapit ng 'yong pag-ibig upang magawa mo akong bitiwan sa tangway ng kahapisan. Na kung bakit mula yapak hanggang uluna'y tinigis mo ng siphayo ang banal kong damdam.

-ChristianB | Isang Daang Tula, pg.81

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon