Walumpu (Dawag sa Hangin)

2 1 0
                                    


Munting dawag na sinabog sa bukirin
nang magyabong pakiming nangubli sa hangin,
subyang niya'y dumatal at ninitang giliw
ang mga binhing nagmumura sa lilim ng aliw.

Lulan ng dapit-hapo'y nilugso ng dalita
yaong mga binhing naparam ang laya;
dawag na munti ano pa't nagsanga-sanga,
hatol ay pag-siim, sa kaugata'y umiwa.

Dakilang langit, pinintakasi'y nasaan?
dalanging wari'y hangin ang tinamnan.
O taksil kang nariyaan!
dustang hangi'y amain niring kasam-an.

Kaya nga't sa pag-sapit ng tag-init,
sa paglisan niring abang dawag,
yaring unang patak ng langit
ay biyayang maglalanggas ng damdam.

-ChristianB | Isang daang tula
7/12/2021@11:47 am

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon