Pitumpu't Dalawa ( Mutya)

18 0 0
                                        

Mutyang musa ng talang ninikat
silayan mo't lugaming mabibihag,
sa ilalim ng tingkad nya't liwanag
maninimdim yaring habagat.

O giliw gapiin mo't bihagin
akong tumitingalang panauhin
at kung maari'y iyakap sa lambing
sa diwa't hiwaga ng 'yong panganorin.

-ChristianB

Isang Daang TulaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon