Lupigin mo ako o aking sinta,
Kitlin sa tamis ng iyong hiwaga.
Sa kastilyo ng puso'y ialdaba,
Bihagin, bisig ang syang tanikala.Sa bawat titig napapatda,
Ako'y alipin, hibang mong alila.
Kung pagpintuho'y isang pagkakasala,
Handa akong magapi o aking laura.-ChristianB