Pito (Libulan)

17 2 1
                                    


Sa banaag mo'y bihag,
Alipon mong bulag, ipiing bansag.
Malugso ma'y di mangigilag,
Di titinag itong titig sayo rilag.

Titig na bunga'y pag-ibig,
Nahirang mong gapi sa iyong paglupig.
Palihim mang minamasid,
Libulan, ako'y iyong alipin di man batid.

Bolo ko'y naririto, kuta mo ko't panangga.
Di pasisiil kaalit ma'y bakunawa,
Mabatá ma'y sasansala,
Ako'y baluti't irog mong Sidapa.

Sa ngalan ng puso'y susumang,
Bigkis ng pagtangi, handog ko'y awanggan
Sansinukob ma'y di tayo pahintulutan,
Ikaw ang tanging sultana, irog kong libulan.

-ChristianB

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon