Sa marahas na ihip ng habagat,
Pamilyar na ugong ang di maikukubli ng nagaalimpuyong dagat.
Pumunit na tinig sa kislap ng watawat,
Di na kagulat gulat, bumangon muli sa ihip ng sigwa ang barko ng manunulat.Bapor tabo nga'y muling nanumbalik,
Heto muli't maririnig ang nagmamatamis nyang awit,
Pabor na sa taas lamang ang kalabit,
Kung sa baba'y mapangmatang sulyap ang hatid.Isang bapor, kinalahati sa dalawa,
Ningning ng araw ba'y para lang sa dugong maharlika?
Na kung darating si Asklepios sila ang unang makakanta?
At itong mga "indio'y" kailangan munang mag bilang ng nakapikit ang mata?Bapor tabo'y di kailaman lulubog,
Sa anino ng mga nakasakay palagi lang magtatago,
Na kung makaaamoy ng daluyong tila asong ulol na tatakbo,
Sasanib lagi sa mga talangka na kung tawagi'y "Ilustrado".-ChristianB