Di mabilang na panahon na ang nabali,
Ilang busilak na gabi't araw na ang nagdaan
ngunit tila ba kahapon lang ang
huling pagtatagpo ng ating labi,
Irog ko'y kumusta, kuta mo'y nasasabik,
sa muling pakikipagniig ng pusong bulid sa pagdaralita't
hibik.Ilang gabi nang pagkabagabag ang tuluyang bumihag
sa kaladuang naghahari'y pangungulila sa yakap
kay hirap mawalay sa nakagisnang palad
himpil sa pusod ng dagat, nagdarasal sa ihip ng paglingap.Diyata't sa isang panaginip muling mahahalik
ang puso't diwang di mapagkunwari
pugtong dibdib, marubdob kang iniibig
sa hiwaga'y sasakay sa iyong pagbalik.-ChristianB