Animnapu't Anim (Awit ng Pagtangis)

4 0 0
                                    


Pakinggan mo ang musika
Tumutugtog ang mga alpa,
Matitinis kung umawit,
Lalo na kung tuwing sila'y tinitipa.

Malalim na ang gabi,
Ngunit tuloy pa din ang piyesta.
Maraming alpa na ang napipigtas,
Ragarag na ding umaawit ang iba.

Ngunit di pinapahinto,
Patuloy pa din silang tinitipa.
Patuloy ginagalaw, tuloy ang ligaya.
Nang mga bisitang sabik sa musmus na kanta.

Malalim na ang gabi, mga alpa'y pagod na, sa pagsikat ng araw, mga ibon na lang ang haharana.

-ChristianB

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon