Walang nagsasalita sa amin habang nakasakay sa kotse niya. As in wala ni isa hanggang sa makarating kami sa mall.Nauna akong bumaba saka dumeretso na sa loob, ang malas nga lang at ibang entrance ang napasukan namin eh kaya malayo dito yung NB.
"nagugutom ka ba? Tanghali na eh" sabi niya saka sumabay sa paglakad sakin, umiling ako mamaya na ako kakain kapag nakabili na ako.
"okay saan ka nga pala pupunta?"
"NB. Ikaw? Saan ka na niyan?" nagkibit balikat lang siya saka sumunod sakin.
"akala ko ba sasabay ka lang sakin" sabi ko sa kaniya habang palapit na kami sa NB nauna siya sakin saka inopen ang glass door at hinintay akong makapasok bago siya.
"nah wala naman akong gagawin eh"
"tapos na exam niyo?" tumango siya sa sinabi ko, kumuha ako ng isang bondpaper humiwalay siya sakin kaya nagkanya kanya kami.
I just got some extra notebook para sa mga gagawin ko and some arts materials nang biglang may tumabi sakin which is si Zero. Napatingin ako sa kaniya at napatingin sa bitbit niya.
"yan lang kukunin mo?" umiling ako saka kumuha ng isang paiting materials.
"ilagay mo na dito" sabi niya, napatingin ako sa basket na bitbit niya at may isang book ang nandoon.
'wise courtship'
Napatingin ako sa kaniya pero pumipili siya ng ilang notebooks, may nililigawan ito? Hindi halata ah.
"oh you have someone special?" sabi ko napatingin siya sakin saka sa libro na nasa basket saka siya tumawa.
"wala yan, trip ko lang magbasa" saka siya tumawa ng malakas, hinampas ko siya dahil ang ingay niya.
Sumunod na siya sakin habang kumukuha pa ako ng mga kailangan ko, pumunta ako sa book section para bilhin ang wattpad book na gusto ko.
Kukunin ko na sana per awkward dahil r18 ang book na iyon,napatingin ako kay Zero at sumipol siya saka tumingin sa gilid. Kinuha ko parin iyon at ako na ang bumitbit, pumunta kaming cashier konti lang naman yun kaya kayang kaya kong buhatin.
"thank you ma'am kayo po sir?" napatingin ako sa babae nang mag iba ang boses niya habang nasa harap niya si Zero. Eto namang lalaki nakangiti lang eh mahihimatay na sa kilig ang nasa harapan niya.
Nauna akong lumabas doon saka naghanap ng pwedeng pagkainan, hindi na ako nag abala pang lingunin siya at baka uuwi narin siya.
Umupo ako sa pinakamalapit na food stall para kumain pero ang problema walang magbabantay ng gamit ko, i just drink my water nang biglang umupo sa harap ko si Zero.
"gosh akala ko umuwi ka na" sabi ko sabay hawak sa dibdib ko muntik pa akong mabulunan.
"hindi pa. Nakaorder ka na?" umiling ako tatayo na sana ako ng tumayo rin siya.
"ako na bantayan mo na lang gamit natin" sabi niya saka umalis na, binili niya talaga yung book na yun ah dahil nakita ko sa bag niya.
Minutes later meron na siya, hindi naman ako mapili sa kakainin kaya okay lang kahit ano. Inayos niya ang kakainin namin saka siya umupo sa harap ko.
"ah may susundo ba sayo mamaya?" sabi niya i look at my phone at walang text ni kuya means hindi niya ako masusundo. Ayoko namang magpasundo dahil gusto kong masanay.
"wala, bakit ihahatid mo ako?" saka ako tumawa para hindi awkward.
"oo sana eh" at yun nga nabulunan na ako dali dali niyang binigay ang tubig saakin at ngumisi pa.
"ah hindi na kaya ko na" tumango lang siya sa sinabi ko.
Kumain lang kami when i saw something that is posted sa group namin na graduating student na Tourism course. I opened it at halos maitapon ko ang phone ko when i saw two pictures of Zero and me at the bookstore at ngayon lang na kumakain kami.
I showed him that one nakatitig lang siya doon, saka tumunog ang phone niya kinuha niya iyon. He showed me his phone at nakapost rin sa group nila ang dalawang picture napapikit ako at tinignan ang mga comments sino naman kaya ang nagpost.
Madaming nagcomment doon since kasama ko ang famous, but the comment of Lei caught my attention
'ay ang taray akala ko ihahatid lang'
Napairap ako at bumasa ulit ng mga comments.
'sure babagsak na yan this year my jowa na eh'
'baka hindi na yan makakagraduate'
'baka mabuntis'
Ang sarap batuhin ng mga nagcomment doon, bakit ba ngayong generation na ito nagkajowa lang buntis na agad. Teka nga ano bang jowa ang sinasabi ko hindi ko naman jowa ito ah.
"tara na?" he ask tumango ako at tumayo na while hawak ko ang binili ko. Bumaba kami sa first floor dahil andoon ang car niya.
"ah salamat sa pagsama" sabi ko nang malapit na kami sa parking lot, he just nodded at nanatili sa tabi ko.
"anyway, i have a game" napatingin ako sa sinabi niya.
"what game?"
"Basketball. Wanna watch? Doon lang sa village namin"
Ha? Ano namang gagawin ko doon?
"ah baka may gagawin ako eh. You didn't join Basketball at school?"
"no. Baka kasi hindi ko rin maisingit sa schedule ko so focus ako sa pag aaral, i just play when im super stressed." obvious nga stress siya eh.
"kailan ba yan?" napatingin siya sakin saka ngumiti.
"sa makalawa ano punta ka?" gusto kong pumunta para naman siguro mag relax ako pero baka hindi ako payagan ni Kuya.
"i'll try, ah magpapaalam pa ako kay Kuya"
"great chat mo ako para masundo kita"
"ha? Ah huwag na magkita na lang tayo sa isang place" iniisip ko palang na pupunta siya sa bahay baka mag aalburoto na si Kuya eh.
Nakatayo lang kami doon, naghihintay ng taxi para makauwi na ako but sadly umulan.
"mauna ka na hihintayin ko nalang tumila ang ulan"
Tumingin siya sakin saka tumingin sa harap namin, kinuha niya ang hawak kong binili ko saka nilagay sa bag niya so it means wala na kaming bitbit.
Then suddenly he take off his jacket saka binigay sakin at hinawakan ang kamay ko saka kami tumakbo papunta sa kotse niya. Wala na akong time magulat dahil sa biglaang pagtakbo namin.
BINABASA MO ANG
Love me till the end [COMPLETED]
Teen FictionBe strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky