Ilang araw na akong tulala, mapatrabaho man o sa bahay. Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi ni Kuya, ultimo yung plano ko na pumunta sa baguio hindi ko muna tinuloy.
Nawala sa amin ang kompanya, naghiwalay si Ate at Kuya at simula nang araw na iyon ay hindi ko na nakita pa na lumalabas si Kuya sa kwarto niya.
"fuck this life" bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Pumuputi nanaman ang labi ko dahil sa sakit ko, alam ko. Alam kong ilaw araw nalang din ang kakayanin ko.
Paubos na ang pera namin, ang ibang maid ay tinanggal na rin ni Kuya dahil wala na kaming maipasweldo. Ang natitirang pera ang para sa pag aaral ko, naiisip ko rin na ayaw ko nang mag aral dahil sayang din.
Tumingin ako sa calendar at napangiti ako nang maalala kong engagement party na next week at hindi ko alam kung aabot pa ako dahil nanghihina na ako.
Iniiwasan kong pumunta sa hospital dahil ayokong marinig kung ano man ang sakit ko. Gusto kong mamuhay ng normal.
Si Zero ilang araw na din kaming hindi nagkikita pero lagi siyang nagtetext at nakiki Vc saamin kaya nakakahinga ako ng maluwang.
"Kuya" katok ko nang pumunta ako sa kwarto niya, as usual wala siyang sagot pero pumasok parin ako.
Madilim ang kwarto niya at magulo tanda na napakasakit ng nararanasan niya, nilapitan ko siya sa kama habang nakahiga siya. Maga ang mga mata niya naiiyak ako sa nakikita ko.
Kuya has never been like this, tumingin siya sakin.
"im sorry little sis kung nakikita mong ganito si Kuya ha?" malumanay niyang sabi, pinunasan ko ang luha ko na pumatak.
"k-kumain ka naman kuya"nagmamakaawa kong sabi, kumakain naman siya eh pero konti lang at alam kong hindi iyon sapat.
"little sis nahihirapan ka na ba?" oo kuya hirap na hirap na ako. Gusto kong sabihin yan pero pinili ko nalang na hindi kahit ang sakit na ng dibdib ko.
"hindi kuya, kaya pa kaya magpakatatag tayo ha? Magkakaayos din kayo ni Ate Zenia" napangiti siya sa sinabi ko.
"kayo ni Zero magmahalan kayo ha? Hindi porket wala na kami ng ate niya ay awkward na sa inyo" kung alam mo lang kuya ang dahilan baka paghiwalayin mo din kami ni Zero.
Hindi alam ni kuya ang mga nangyayari sa amin ni Zero.
"Kuya aalis muna ako ha? Sa baguio lang kuya para makapagpahinga rin ako kuya" sabi ko sa kaniya, tumango naman siya.
"k-kuya dapat pagbalik ko okay ka na ha? Masigla ka na dapat kuya ha?" ngumiti siya saka tumango, niyakap ko siya saka pinigilan ang iyak ko.
I'm sorry Kuya.
Lumabas ako ng kwarto niya, binilin ko sa isang maid na naiwan dito sa bahay na alagaan si Kuya.
"Ma'am meron po si Sir Andrew" napatingin ako sa maid na kinausap ko lang kanina.
Tumango ako saka naglakad pababa nakita ko siya seryoso na nakatingin sa isang envelope na hawak niya, lumapit ako sa kaniya napansin niya ang presensya ko kaya naman tumayo siya.
"tara sa labas magpahangin" pilit na ngiting sabi ko, pero paghakbang ko ay bigla akong nahilo kaya naman inalalayan niya ako saka pinaupo sa bench sa bakuran.
"what is that?"
"invitation" nilahad niya sakin saka ko binuksan. Tuluyang napunit ang puso ko nang makita ang invitation card ni Ellie saka ni Zero.
BINABASA MO ANG
Love me till the end [COMPLETED]
Novela JuvenilBe strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky