"Vixen!"
Hindi ko magawang lumingon sa taong tumawag sakin pero alam kong familiar ang boses na iyon. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako inalalayan na maupo sa isang bench.
"okay ka lang?" tanong niya sakin, tumango naman ako saka sinandal ulo at pinakalma ang sarili.
"p-pakikuha Andrew" sabi ko sabay turo sa papel na nalaglag, pinulot niya iyon saka binasa ang laman. Nanlaki ang mata niya saka agad na nilagay sa loob at binigay sakin.
He panick kaya naman pumasok siya sa opisina ni Doc. Leones saka siya lumabas na hila na niya ang Doctor.
"Tito! Si Vixen hindi makahinga!" panik niya, lumapit naman agad sakin si Doc at tinignan ako hanggang sa kumalma ako.
"hija! Kumalma ka, please alagaan mo ang sarili mo hanggang hindi pa tayo nakakakuha ng heart donor" kumalma ako matapos ang mga nangyaring iyon, Andrew stay by my side.
"tatawagan ulit kita hija. Just dont be stubborn hanggat maaari dont be to emotional" napatango ako sa sinabi niya saka mahigpit na hinawakan ang papel na hawak ko.
Nakatulala lang ako hanggang sa makalabas ako ng building, hindi ma proseso ng isip ko ang mga nangyari sakin.
"ihahatid na kita" i look at Andrew saka ako nagpasalamat sa kaniya, pero tumanggi ako sa alok niya.
"please sana huwag mong ipagsasabi sa iba" pagmamakaawa ko sa kaniya, seryoso lang siyang nakatingin sakin.
"kailangan mo ng tulong especially your boyfriend" umiling ako sa sinabi niya, hindi nila kailangang malaman mas lalo na si Zero.
"just don't tell anyone ikaw lang ang nakakaalam" napabuntong hininga siya saka pinatong ang kamay sa ulo ko saka tumingin sakin.
"alam mo namang hindi kita matiis crush kita eh" nakangiti niyang sabi, sinuklian ko siya ng ngiti.
"uwi ka na. Titignan kita mula dito baka makita pa ako ng jowa mo eh" tumango ako sa sinabi niya saka sumakay na ng Taxi.
Napatingin ako sa kaniya pero seryoso siyang nakatanaw sakin saka agad agad na bumalik sa hospital. Tito niya pala ang doctor na iyon eh.
Pagdating ko sa bahay, gising na ang iba madaling araw na pala. Walang nakapansin ng pagpasok ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko saka nagpalit tinago ko ang test result ko sa cabinet ko saka namahinga.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga susunod na mangyayari sakin. As long as i get emotional ay lalong lalala ito, sana may makuhang Donor.
If ever na matutuloy gusto kong sabihin kay kuya na gusto kong magbakasyon sa ibang bansa. Nakatulugan ko ang pag iisip kaya naman pagkagising ko ay nakabungad na sakin si Lei na nakahalukipkip sa harap ko na naka uniform pa.
"aba Vixen! Baka nakakalimutan mong may pasok ngayon!" saka niya ako hinampas ng unan, bagot na bagot akong bumangon sa kama saka dumeretso sa banyo para maligo at mag ayos.
Isinantabi ko ang iniisip ko dahil makakahalata sila na may hindi maganda sakin. Pagkababa ko nakaupo doon si Kuya at Lei na parang hinihintay ako, i kiss kuya ang bid goodbye.
"may problema ba?" tanong ni Lei sa akin habang nagmamaneho siya.
"wala naman. Puyat lang" sabi ko saka tumawa, para mapagaan ang nararamdaman ko. My phone beep and its a text from Zero.
'morning baby! Daanan kita mamaya ihahatid kita pauwi'
I replied okay saka itinago na ang phone dahil nakarating kami, andyan nanaman yung ma'am na grabe kung magsalita saamin.
Maghapon kong inisip ang nga nalaman ko kaninang madaling araw halos hindi ako makafocus sa ginagawa ko kaya naman to the rescue si Lei at siya ang gumawa sinabi ko nalang na pagod ako.
"ano? Ihahatid ba kita o susunduin ka ng bebe mo?" tanong niya sakin habang naglalakad kami sa parking lot. I was about to talk when i saw him leaning on his car at malalim ang iniisip.
Inasar naman agad ako ni Lei kaya nginisian ko naman siya at lumapit na kay Zero, nang mapansin niya ang presensya ko ay niyakap niya agad ako ng mahigpit.
"you okaw?" tumango naman siya saka hinalikan ang cheeks ko.
"date tayo?" aya niya sakin, ngumiti ako saka tumango. Maaga pa naman eh magpapaalam nalang ako kay Kuya.
Sumakay na kami sa kotse saka siya nagdrive papunta sa mall, kinuha ko ang phone ko para sana itext si kuya pero may nagchat sakin si Andrew.
'remember what tito said'
Napatingin ako sa bintana, wala naman sigurong masamang mangyayari sakin dito. Agad kong tinago ang phone ko pagkatext ko kay Kuya.
"tara na, nagugutom ka na ba?" lumabas kami ng sasakyan saka niya ako inakbayan at naglakad papasok sa mall.
"ice cream sana" sabi ko, ngumiti naman siya sakin saka tumango. Alam kong may kulang sa ngiti niyang iyon pero hindi ko na pinansin.
"here baby. San mo gustong kumain?"
"sa chowking nalang, gusto ko yung chao fan nila" bata palang ako ay gusto ko na yun.
Naglakad kami papunta doon siya na nagorder ako naman ang naghanap ng table namin. Nang makabalik siya meron na yung order namin kaya naman nagsimula na akming kumain.
"kamusta intern?" tanong ko sa kaniya.
"okay lang naman, sa bahay ang tanungin mo" kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.
"kamusta naman ang lolo mo?"
"as usual pinapahirapan ako" saka siya tumawa nakatingin lang ako sa kaniya ng seryoso.
"pero kakayanin ko para satin, pipigilan ko ang kasal" tumango ako sa sinabi niya. Ako kaya kakayanin ko ba?
We are in the middle of eating our food when someone call him, he answered it nakikinig lang ako.
"please Dad i just want to be with my girlfriend now" nagmamakaawa niyang sabi saka nalungkot ang mukha niya.
Binaba niya ang tawag saka tumingin sakin ng malungkot, tapos na kaming kumain kaya nag aya na akong umuwi. Hawak ko ang kamay niya habang papalakad kami papuntang parking lot.
"hey what happened?" tanong ko na saka siya niyakap, niyakap niya ako ng mahigpit.
"Iniipit ako ni lolo, he told me to go home and plan my wedding" nanlamig ako sa sinabi niya, ganun ba kadali iyon?
"please don't give up on me baby, kakayanin natin to ha? Ikaw lang ang papakasalan ko" tumango ako sa sinabi niya.
"ihahatid na kita, magpahinga ka na rin" he kiss me saka kami sumakay sa kotse niya. Nakarating kami sa bahay nang walang imikan nauna na akong bumaba.
"be strong baby hmm?" malambing na sabi niya sakin.
"ikaw ang maging strong Zero" umiling naman siya sa sinabi ko saka niya sinapo ang mukha ko.
"ikaw ang lakas ko, kaya hangga't nakikita kitang malakas lalakas ako" he kiss my forehead at niyakap ako.
Nakatingin lang ako sa papalayong kotse niya, maglalakad na sana ako ng bigla akong nahilo napaluhod ako sa harap ng gate. Shit! Not again! Please hindi pa ngayon!
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob and there i saw kuya he seems so problematic ni hindi niya ako napansin.
"kuya are you okay?"
"Vixen, mawawala na satin ang kompanya"
BINABASA MO ANG
Love me till the end [COMPLETED]
Teen FictionBe strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky