Matapos nun umakyat narin kami, hinatid ko muna ang dalawang lalaki sa guestroom kasama ko si Lei."dito kayo matulog na dalawa, at walang pupunta sa kwarto namin ah" banta ko sa kanilang dalawa, tumango tango naman si Lei habang nakanguso sakin si Zero.
"tabi tayo diba?" agad binatukan ni Zero si Gab kaya napa aray ito, inakbayan niya si Gab saka sila pumasok sa loob.
"goodnight baby!" sigaw ni Zero, muntik ko nang mabato ng slipper si Zero sa lakas ng boses niya, nag flying kiss naman si Gab kay Lei at ito namang gagang ito tuwang tuwa.
Naglakad na kami papunta sa kwarto ko saka sabay na humiga sa kama, pareho na kaming nakapantulog.
"anong nangyari sa date niyo kanina?! Dali kwento na!" pangungulit ni Lei sakin.
Naalala ko nanaman at hindi ko maiwasang hindi kumulo ang dugo ko sa lolo niya.
"I met his Fiancee" ang ngiti niya ay unti unting nawala, saka siya napaupo at hinampas ako ng unan.
"gago! Seryoso?" napatango ako sa sinabi niya.
"halla tanginang yan! Paano yan! Yung matandang yun nanaman ang nagsabi?!" tumango ulit ako sa tanong niya. Halos panggigilan na niya ang unan na hawak niya.
Kinwento ko lahat ang nangyari ngayong araw sa bahay nila at nakailang mura na talaga siya, nalaman niya rin ang pangalan ng babae kaya naman halos umusok na ang ilong niya sa galit.
"paano na yan?!"
"mahal ko ang mokong na iyon kaya ilalaban namin" niyakap niya ako ng mahigpit, magsasalita sana ako ng biglang nanikip ang dibdib ko agad niya iyong napansin iyon.
"shit! Namumutla ka!" agad siyang tumayo saka kinuha ang tubig saka ako uminom, uminim ako kinalma ang sarili ko dahil para na akong malalagutan ng hininga.
Nakatingin lang siya sakin nag aalala sa nangyayari sakin, the moment i calm down lumapit siya sakin.
"okay ka na? Punta tayo sa doctor gusto mo?" umiling ako sa sinabi niya.
"andito lang ako susuportahan ko kayo ni Zero ,ipaglaban niyo Vixen nakikita kong mahal niyo ang isat isa" sa pagsabi niyang iyon ay napaluha ako.
Lahat ng sakit kanina nang malaman ko na may fiancee siya ay lumabas niya, umiyak ako habang pinapatahan niya. Sa bawat oaghinga ko ay sumasakit ang dibdib ko.
"shh im always here please calm down now" pinahiga niya ako sa tabi niya, nagaalala na siya.
"lalaban kami" sabi ko, tumango naman siya saka tumabi sakin saka natulog na.
Nagising nalang kami kinabukasan ng may kumalampag ng pintuan ko, gumalaw si Lei sa tabi ko na ang himbing pa ng tulog.
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan saka nagtalukbong pa ng patuloy sila sa pagkalampag, alam ko namang yang dalawang lalake yan eh. Hanggang sa tumigil babalik na sana ako sa pagtulog ko nang bumukas ang pinto then the light opened.
"huy gising na" malumanay na sabi ni Ate Zeina samin, unti unti kong tinanggal ang talukbing ko saka inaudjust ang mata sa ilaw. Tumingin ako sa orasan ko at almost 3 in the morning.
Gosh ang aga pa! Anong oras na kami natulog ni Lei dahil sa kwentuhan namin kagabi plus every detail pinakwento pa. Dahan dahan akong umupo habang nakapikit pa natatawa naman si ate sa tabi ko.
"Lei" niyugyog ko ang balikat niya pero ang gaga ay tulog mantika parin, hinampas ko siya ng unan at napabalikwas siya. Nakahalf ipen pa ang mata niya na tumingin sakin at hinatak ang buhok ko.
"magready na kayo bilisan niyo at tulungan niyo ako sa baba na magpigil sa tatlong itlog" natawa ako saka dumeretso na sa banyo at naligo.
Pagkalabas ko naligo narin si Lei, pumili lang ako ng maong na short white plain shirt saka white shoes. Hinintay ko pa si Lei na matapos mukha kaming antok na antok talaga eh.
Bitbit namin ang gamit namin pababa naririnig namin ang bangayan ng tatlo sa baba.
"hindi nga pwedeng magkasama ang lalaki at babae sa iisabg kwarto!" alam kong boses ni kuya iyon, ano bang sinasabi niya?
"kuya magkasama naman kayo ni ate ah" boses ni Zero.
"oo nga!" angal naman ni Gab, nakarinig pa ako ng kalampag bago sila mapatingin samin.
"andyan na pala sila tara na" agad kaming naglakad at sumakay sa Van. Dahil tamad ang mga lalake ay kinuha namin ang driver namin. Tag iisa kami na part sa Van sila Kuya ang nasa una, sa pangalawa ay sila Lei at last row kami para makatulog talaga ako.
"inaantok ka pa?" sabi ng katabi ko, i slowly nodded at talagang matutulog na ako. Umandar narin ang van saka kami umalis si Lei natutulog na nakasandal siya kay Gab.
Umusog sa pinakagilid si Zero saka hinawakan ang leeg ko at pinaunan sa hita niya. I was to sleepy to even open my eyes kaya natulog na lang ako.
When i woke up, malapit na kami maybe a minute away pero ang mga kasama ko tulog pa. I look at Zero at parang nahihirapan siyang matulog ako naman ang umupo saka pinahiga siya unan ang hita ko.
Agad niyang niyakap ang bewang ko, kinakabahan ako sa pwesto namin baka makita ni Kuya eh. Saka ang intimidating ng pwesto namin malapit siya sa ano ko.
Nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa makarating kami, ginising ko na si Zero pati ang mga kasamahan namin. Bitbit ko ang maliit na bag ko sumunod kami kay Kuya he got 3 keys at binigay samin.
Naglakad na kami papasok doon at hindi ko maiwasang hindi mamangha ang ganda lang dito, ang sarao magrelax. Hinanap namin ang cabin namin at magkakalayo iyon may isang bahay sa pagitan ng bawat cabin namin.
"hoy! Hoy! Saan kayo pupunta ha?" halos mabato ko kay Kuya ang bag ko sa lakas ng boses niya.
"sa kwarto namin" sabay na sabi ng dalawa ng tumingin ako nakasunod pala sakin si Zero at si Gab naman kay Lei. Ano yun? Share ng kwarto?
"hayaan mo na sila Mahal malalaki na sila" sabi naman ni Ate Zenia, tumango tango naman ang dalawang lalaki. Inirapan ko si Zero at parang gustong gusto naman.
"mahal naman" muntik na akong mandiri sa boses ni kuya na sobrang lambing.
"hayaan mo na" pagpupumilit ni Ate, naririnig ko naman na bumubulong ang dalawa sa likod namin.
"hindi nga pwe-"
"sige kung hindi pwede hindi mo to makikita mama-" hindi na natuloy ni Ate ang sasabihin niya ng magsalita si Kuya na ikinangisi ni Zero.
"sige babye na! Hoy tabi lang ha! Im watching you" saka niya hinila si Ate at pumasok na sila sa cabin. Pumasok narin kami at napatanga ako sa iisang kama.
Nilapag ni Zero sa gilid ang gamit namin saka niya ako niyakap at hinalikan sa leeg. Lord kung eto na po ang honeymoon ko at sya po ang kukuha ng una syuurrr whynuut!
BINABASA MO ANG
Love me till the end [COMPLETED]
Teen FictionBe strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky