20

304 7 0
                                    


That night na sinabi sakin ni Kuya na mawawala na ang kompanya halos hindi na ako makatulog gabi gabi.

Ang daming pumapasok sa isip ko, hindi ko na alam ang gagawin ko and about sa sakit ko it requires thousand para makapagpaopera ako, pero nagdadalawang isip ako hindi sapat ang ipon ko at plano kong ibigay yun kay Kuya.

Zero, he's always coming here sa bahay namin para magkasama kami pero lagi syang nagmamadali. Pansin ko rin na nakataxi na lang siya wala na yung kotse niya. Masaya siya kapag magkasama kami pero alam kong nahihirapan narin siya.

How many days nalang matatapos na ang OJT at halos wala akong ginagawa doon, at least nagrereport parin ako sa school kung papalarin man sana makagraduate ako at may award man lang kahit yun na lang.

Nakatitig lang ako sa kisame pinapakiramdaman ang sarili ko, hinawakan ko ang dibdib ko saka huminga ng malalim pero mali yata dahil biglang sumakit kaya naman napayakap ako sa unan ko.

Tumayo ako saka humarap sa salamin namumutla ang ang labi ko at mapapansin na din ang pagpayat ko. Doc Leones already found a heart donor but its up to me kung itutuloy ko pa iyon.

Ngayon ay nagdadalawang isip na ako, dahil kasi sakin madaming tao ang nagsusuffer. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin saka akk naglagay ng make up para hindi ako mahalata.

I was in the middle of doing my make up when my phone beep it has a text and its from unknown number.

'hi! This is Ellie can we meet? I'll text you the address'

Hindi pa ako nakapagreply nang ireply na niya ang lugar, malapit lang iyon dito ah. Mag aayos na sana ako nang may tumawag.

'hey' malumanay na sabi niya.

'nakapag isip ka na?' seryoso niyang tanong sakin, napaupo ako sa harap ng salamin.

'Andrew, hindi ko na alam ang daming nahihirapan sa relasyon naming dalawa' naiiyak na sabi ko.

'pero mas mahihirapan sila kapag hindi mo tinuloy Vixen, kung takot ka sasamahan kita'

Pinatay ko ang tawag saka inayos ang sarili ko dahil makikipagkita pa ako kay Ellie. Pagkababa ko andoon si Kuya na parang natataranta.

"kuya"

"s-sis may sasabihin sana ako"

Hindi ako nagsalit at nakatitig lang ako sa kaniya.

"pwedeng pahiram muna ng pera mo sis? Nahihirapan na ako sa kompanya" and from that very start alam kong hindi ko na itutuloy pa ang pagpapaopera.

Binigay ko sa kaniya ang bank account ko saka ko siya niyakap.

"hayaan mo kuya hindi ka na mahihirapan pa" naguguluhan man siya sa sinabi ko ay nagpaalam na ako para lumabas.

Pumara ako ng taxi saka pumunta na kay Ellie, hindi restaurant ang pupuntahan namin kundi taas ng manila literal na taas dahil kita ang manila dito. Pagkababa ko ay nandoon si Ellie na nakatayo nagbayad ako ng taxi saka bumaba na.

"Ellie" malumanay na tawag ko sa akniya, napatingin naman siya sakin saka ngumiti. Tumayo ako sa tabi niya.

"so ano ang gusto mong sabihin?"

"im here to tell you that please don't give up on Zero" nagmamakaawang sabi niya, napaawang ang labi ko na nakatingin sa kaniya. Napahigpit ang hawak ko sa jacket ko.

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon