18

265 6 0
                                    

Kapansin pansin ang pananahimik ko habang pauwi na kami sa Manila, madaming naglalaro sa isip ko. Zero is sitting beside me as in dikit na dikit na sakin na parang mawawala na ako.

"Zero masikip" reklamo ko sa kanya, napatingin siya sakin saka ngumisi.

"i like tight" inirapan ko siya, kamanyakan nanaman niya. Hindi ko tuloy matanggal sa isip ko ang nangyari kagabi.

Matutulog na sana ako eh, biglang dumating ang kumag na ito saka ba naman ako dinaganan at halos hindi na ako makahinga ang malala pa ay ramdam ko ang baba niya.

"lumayo ka nga sakin konti!" sabi ko saka ko siya tinulak pero sumiksik pa siya sakin, inirapan ko siya saka pinabayaan na lang.

Natulog nalang ako hanggang sa nagising ako ng may tumampal sa pisngi ko,nakarating na pala kami dali dali akong bumaba saka kinuha ang bag ko. Zero is behind me walking bakit ba hindi pa umuwi ito?

"hindi ka pa uuwi?" i ask him while we are sitting at the couch, pagod na pagod ako.

"later, hintayin ko ko si Ate" tumango ako, naglakad ako papunta sa kwarto ko at nakasunod nanaman siya sakin pinabayaan ko nalang agad kong binagsak ang sarili ko sa kama ko.


Nakatayo lang siya sa may paanan ko hanggang sa dahan dahan siyang lumapit sakin, gumapang siya dahil literal talaga na gagapangin niya ako. Kinakabahan nanaman ako habang papalapit siya napantay niya ang mukha ko habang nakatukod ang kamay niya sa side ko.

"get off of me Zero" umiling lang siya saka ako niyakap ng mahigpit, niyayakap niya ako pero iba ngayon. Kinakabahan ako sa paraan ng pagyakap niya sakin parang mawawala siya, hinayaan ko siyang yakapin ako ng ganun.

"inaantok ka?" sabi ko sa kaniya saka pinilit na tinignan ang mukha niya, nakapikit siya kinuha ko ang comforter saka kinumot saamin. Nakayakap parin siya sakin ng mahigpit.

Naisip ko nanaman ang nabasa ko sa phone niya, parang ayokong pauwiin siya sa bahay nila kinakabahan ako nagsisimula nanamang sumakit ang dibdib ko ginamit ko si Zero para may pagkapitan ako ng sakit. Naiiyak ako dahil parang hindi ako makahinga.

Nakatulog kaming dalawa nang hindi namin namamalayan, i just woke up na wala na siya sa tabi ko but there's a note saying na uuwi na siya at magpapahinga magkita nalang sila bukas.


Umupo ako sa kama at pinapakiramdaman ang sarili ko, masakit yun ang nararamdaman ko. Ayokong dahil sakin itakwil siya ng pamilya niya hinawakan ko ang dibdib niya at kumirot nanaman kinakabahan na ako sa nangyayari sakin.

Papasok nanaman pala ako bukas hindi pa tapos OJT namin, napabuntong hininga ako at lumabas na ng kwarto nakita ko si Kuya sa sala na nakatulala. Linapitan ko siya saka umupo sa tabi niya.

"what's the problem kuya?"

"one of the major stock holders pull out their shairs at our company" binundol ako ng kaba, eto na ba ang sinasabi ng lolo ni Zero. Nahigut ko ang paghinga ko kasabay ng paglabo ng paningin ko at pananakit ng dibdib ko.

"i-i'll just go to my room" sabi ko, feeling ko namumutla na ako dito. Dahan dahan akong umakyat saka ko hinablot ang towel ko at naligo. I need to go see a Doctor, minadali ko ang maligo at magpalit.

"Kuya punta lang ako kay Lei" sabi ko sa kaniya, tumango naman siya sakin. Lumabas ako ng village at pumara ng taxi, hindi ako pwedeng makita o malaman ni kuya na pupunta ako ng hospital.


Nakarating ako pero kinabahan ako dahil may mga classmate ako at schoolmate na naglalakad sa labas niya. I wear my face mask at lumabas na, may kakilala na akong doctor dito kaya tumungo na ako sa office niya.

Kumatok ako when i heard his voice pumasok na ako, may papeles siyang binabasa. Umupo ako sa harap niya saka siya napatingin sakin.

"oh Ms. Alinsky? What can i do for you?"

"Doc. Nakakaramdama ako ng masakit sa dibdib ko Doc nanlalabo ang paningin ko, at lumalala na po ngayong nakaraang araw Doc." sumeryoso siya sa sinabi ko kaya kinabahan ako.

"Let me run a test" tumayo siya saka anaman ako sumunod sa kaniya, he examine my body.

"i'll call you after i finish this baka bukas pa ito" tumango ako saka nagpaalam na, nanghihina akong umuwi saka pumara ng taxi at umuwi na sa bahay.

Ang dami kong iniisip, my phone beep at bagot akong kuha iyon Zero texted me asking me how am i, i called him i need to hear his voice.

'hey' sagot niya na parang nanghihina.

'you okay?' tanong ko sa kaniya, napabuntong hininga naman siya kaya nagtaka ako.

'its just that si lolo' napayuko ako sa sinabi niya, dalawang tao nahihirapan sa sitwasyon namin.

'are you tired?' sabi ko saka humiga at pumikit.

'no baby, para sa atin lalaban ako kahit lolo ko pa yan' napangiti ako sa sinabi niya.

Nagkwentuhan lang kami, maghapon akong hindi lumabas ng kwarto ko. Nag iisip kung ano ang gagawin ko but then when i was about to sleep at night tumawag si Doc. Leones, bigla akong binundol ng kaba.

'Doc'

'hija, i need you here'

Agad akong lumabas ng bahay wala si Kuya buti nalang, hindi na ako nagpaalam sa mga nasa bahay halos manginig ako nang makapasok sa taxi.

"ma'am okay lang po kayo?" tanong ng taxi driver sasagot na sana ako nang bigla akong mapayuko at napasapo ako dibdib ko dahil kumikirot ito at hindi ako makahinga.

"sa hospital po" sabi ko nalang, binilisan niya ang pagdrive at pagdating ko doon nagbayad na ako at agad tumakbo papunta sa loob.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina niya, saka ako pumasok agad doon. Seryoso siyang nakatingin sakin.

"Doc ano pong lumabas?"

"im sorry hija" binundol ako ng kaba at halos mapakapit ako sa upuan ko nang sabihin niya iyon.

"w-what do you mean Doc?"

"you have a Atrial Septal Defect, here may butas sa puso mo hija akala ko maaagapan pa pero lumalala this past few days kaya ka nakakaramdam ng ganyan."

"p-pero Doc diba inborn po ang sakit na yan? Wala po akong sakit nung bata ako" naiiyak na sabi ko.

"hindi pa malala noon, you never experience pain ever since you parents died. I know your parents hija"

"pero Doc wala na ba talagang pag asa?" umiiyak na sabi ko, ayoko pang mamatay.

Paano na si Kuya? Si lei? Ang mga pangarap ko. Gusto ko pang makabuo ng sariling pamilya kasama si Zero.

"im sorry hija" napatango nalang ako sa sinabi niya, i thank him at lumabas na. Halos malukot ko na ang papers na hawak ko sa kamay ko, napahawak ako sa ding ding. Nabitawan ko ang papers at pupulutin ko na sana nang mapaupo nalang ako dahil sumasakit nanaman ang dibdib ko.

Fuck this life!

"Vixen!"

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon