27

561 14 0
                                    




Kasabay ng paglaho niya sa daan ay napaluhod ako sa damuhan na umiiyak malakas ang ulan pero maririnig parin ang iyak at sigaw ko kasabay ng paghawak ko sa dibdib ko.

"ahhh! Tangina!" i use all my strength para ilabas ang lahat ng sakit na dinanas ko.

"Vixen!" niyakap ako ni Kuya, nakapalibot na sila sakin habang umiiyak ako.

"Vixen tama na ha? Kailangan mo nang magpahinga" malumanay na sabi sakin ni Andrew pero kumawala ako. Tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa daan para habulin si Zero.

Napaluhod ako doon umiiyak kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, binitawan ko na siya.

"Vixen! Tama na! Magpahinga ka na!" hinabol nanaman ako nila Andrew pinilit nila akong hinahawakan pero kumakawala ako.

"Tangina! Hahabulin ko siya! Hindi ko kaya!"

"ano ba Vixen! Wala na kayo hiniwalayan mo na siya tama na!" malakas na sigaw ni Lei sakin, umiiyak na sabi niya.

Nanghina ako nawalan na ako ng lakas makipaglaban sa kanila, nagpaubaya ako kahit ang sakit na. Umiiyak ako nang buhatin nila ako at dalhin sa loob ng bahay, ultimo maid ay natataranta nang pumasok kami.

They put me at the tab umalis lahat ng lalaki at si Lei ang nagpaligo at nagpalit sakin dahil sa panghihina ko. Umiiyak si Lei na pinapaliguan ako.

"h-huwag ka na umiyak" sabi ko sa akniya habang nakaupo, napatingin siya sakin at napailing.

"m-magpagaling ka para hindi na ako umiyak, Vixen please madaming nagmamahal sayo" napangiti ako saka tumingala hinayaan ko siyang damitan ako.

Inalalayan niya akong tumayo at humarap sa salamin sa banyo tinaas ko ang damit ko at nanlumo ako nang makitang payat na payat na ito. Hindi napansin ni Zero ang mga ito dahil sa makapal ang ginagamit kong damit.

"wala na yung ganda ko" napatingin si Lei sakin habang inaayos niya ang white dress ko, umiwas siya ng tingin sakin.

"t-tara na" inalalayan niya akong lumabas ng kwarto, sisikat na pala ang araw ah. Ngayon na pala ang kasal ni Zero napangiti ako ng mapait.

Paglabas namin ay nakaamba na sila Kuya inalalayan nila akong humiga doon, kinantahan nila ako at pinatulog na ulit.

Nakatayo ako sa puro puti na paligid, naglakad pa ako hanggang sa may nga damuhan na akong naapakan. Tumakbo ako dahil nagagandahan ako lalo na ng may mga butterfly na nagliparan.

Tumatawa ako na animo may mga kalaro sa ganda ng palikid, pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala na yung sakit. Humiga ako sa at tumingala sa langit na maaliwalas.

"mommy!" napatingin ako sa bata na tumatakbo at pumunta sa isang ginang, hindi ko makilala kung sino ito dahil nakatalikod.

Hanggang sa pumunta ako sa harap at napatakip ako sa bibig ko nang makitang si Mommy ito at yung bata ay ako!

"mommy! Eto ang gusto kong kasal paglaki ko!" pinakita ko ang isang notebook na hawak ko kay mommy.

Binasa nila iyong dalawa at masyang nagkwentuhan doon.

"oo naman baby, you can do this kaya itago mo ha? Para maalala mo baby"

Pagkatapos nun bigla silang naglaho napaluhod ako doon at umiyak ng tahimik hanggang sa makaramdam ako ng presensya sa likod ko.

"anak" nakangiting sabi ni Daddy habang kasama niya si Mommy na nakalahad ang kanay saakin.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanila saka sila nayakap. Binuhos ko ang lahat ng pagkamiss at hinanakit ko sa kanilang dalawa.

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon