17

271 6 0
                                    


"aray ko Zero!" angal ko sa kaniya nang subukan kong igalaw ang balakang ko.

"huwag ka kasing gumalaw para hindi ka masaktan" natatawang sabi niya, tinulak ko siya saka siya napahiga sa tabi ko.

"FYI ang bigat mo kaya sana alam mo, inaantok na ako ang kulit mo pa" sabi ko saka tumalikod sa kaniya.

Hindi ko parin malimutan yung sinabi niya kanina habang naliligo kami sa pool. I want you daw napapikit ako ng mariin, naramdaman ko ang kamay niyang oumulupot sa bewang ko.

"paano yung sinasabi ng lolo mo?" tanong ko nang maalala ko nanaman yun.

"gagawin ko ang lahat mapigilan lang yun, ikaw lang ang papakasalan ko"

"mahirap ang sinasabi mo Zero, lolo mo ang kinakalaban mo"

"lahat kaya ko makasama ka lang, kaya please lalaban tayong dalawa kung pwede lang magpakalayo layo tayo gagawin ko" napangiti ako sa sinabi niya. Napapikit ako ng haplusin niya ang buhok ko.

Nagising ako kinakubakasan nang makaramdam ako ng mainit na bagay na nakatapat sa paa ko. Umupo ako sa kama at napansin kong wala na pala si Zero doon.

Bumangon ako saka lumabas ng cabin, may nga taong naglalakad lakad sa paligid. Asan na kaya si Zero? Then i saw Lei coming out from their cabin na mukhang kagigising din at mukhang puyat pa.

"hey!" lapit ko sa kaniya napatingin naman siya sakin saka naglakad.

"andyan si Gab?" tanong ko umiling naman siya, naglakad kami papunta sa pinagoorderan ng pagkain dahil gutom narin kami.

"puyat na puyat ah" pang aasar ko sa kanya, nginisian niya ako.

"heaven!" nahampas ko siya bigla bigla ba namang sumigaw.

"tara na nga nagugutom na ako!" hinila ko siya at nag order na kami ng pagkain. Wala sila ate ah baka tulog pa baka pinagod ni kuya.

"asan yung dalawang kumag?" sabi ni Lei habang kumakain kami. Nagkibit balikat ako hindi ko din alam eh.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang biglang may umupo sa tabi ko, handa na sana akong singhalan siya pero si Zero pala.

"san kayo galing na dalawang kumag?" mataray na tanong ni Lei, niyakap naman siya ni Gab.

"ikaw san kayo galing?" nakataas kilay kong tanong kay Zero habang kumakain na siya sa tabi ko.

"naglakad lakad lang, nagpasama si Gab eh"

"at san naman kayo naglakad lakad? Nam babae kayo no?" agad na bintang ni Lei sa dalawa, natawa naman ako at nagaptuloy na kumain kahit inagaw na ni Zero ang pinggan ko.

"hindi ah naglakad lakad lang promise!"

Natahimik kami ng may dumaan sa harap naming mga nakabikini na babae, pinasadahan nila ng tingin si Gab at Zero na may malanding ngiti. Agad akong humalukipkip nang makalagpas sila samin sumulyap pa sila kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"ah yun yung mga babae niyo" sabi ni Lei kaya napatingin ako sa kaniya.

"hindi ko yun babae! Hindi na nga ako tumingin eh" binatukan siya ni Lei, napatingin ako sa katabi ko.

"eh ikaw babae mo yon?" tanong ko sa kaniya, hinawakan niya ang legs ko kaya napaigtad ako he brush his hands at my legs.

"hindi no, wala akong babae"

"oo na wala na kaya tanggalin mo na" sabi ko sa kaniya saka inilihis ang legs ko sa kamay niya.

"huwag ka na magselos ikaw lang naman bubuntisin ko eh" agad kong binato ng tissue ang dalawa sa harap namin.

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon