Siya ang laging nandyan para sakin, Vixen my only bestfriend.Nang malaman kong magpapakasal na si Zero at Ellie kinabukasan ay agad kaming natungo ni Gab sa bahay nila Vixen. Halos gibahin na namin ang pinto dahil walang nagbubukas nito.
Nagtaka ako nang binuksan ito ng maid at nakita ko sila na umiiyak dito sa baba, halos takbuhin ko na ang hagdan nilang malaki at binuksan ang pinto at halos manlumo ako ng matutumba na siya saktong nasagip siya ni Kuya.
I run towards her at hinawakan ko ang kamay niya at niyakap ko siya, halos manlamig ako ng mapansin ko ang pagkapayat niya. Kuya Vale gave me an envelope halos manginig at mapunit ko ang papel nang mabasa ko ang sakit na iyon.
Umiyak ako ng umiyak sa kaniya, walang oras na hindi ako umiyak. Ni hindi kami umalis sa tabi niya ng mga sumunod na oras, sa tuwing natutulog siya ay halos nakabantay kaming lahat sa kaniya dahil sa kaba na baka hindi na siya bumalik pa.
Madilim pa at malakas ang ulan nakarinig kami ng hiyaw mula sa labas at madaling araw na. Sa lakas ng ulan ay malakas rin ang sigaw na narinig namin, agad kaming bumaba ni Gab at nakita namin si Zero na basang basa ng ulan.
Sinubukan naming pigilan si Zero pero nagpumilit siya hanggang sa pumasok kami pero nakita namin si Vixen na tumatakbo palabas kasunod ang kuya niya. Pipigilan sana namin pero hinawakan kami ni Gab at Andrew napatitig nalang kami sa labas.
Awang awa ako sa kanilang dalawa, pinaglaruan sila ng tadhana. Pinagtapo lang sila pero hindi itinadhana, ang saklap lang na bestfriend ko pa ang makaranas ng ganito.
Pinagtulakan niya si Zero na nakaluhod sa harap niya, halos hagulgol ko na ang maririnig dito sa loob ng bahay. Malakas ang ulan at basang basa na silang dalawa sa labas.
"no. Umalis ka na Zero at huwag ka nang babalik pa, maghiwalay na tayo"
Putangina. Alam ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Vixen ay nakakasakit. Ako pa na kaibigan niya lang ay nasasaktan na paano na si Zero na mismo ang nakakarinig.
Ramdam ko ang sakit na pinagtatabuyan niya si Zero, nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. Saksi ako sa mga araw na masaya silang magkakasama maliit na panahon na kailangang tuldukan na ngayon.
"magpakasal ka na sa iba! Magkaanak ka na sa iba! Magkapamilya ka na dahil kahit kailan hindi ko naiisip ang mga ganoon na kasama ka!"
Shit! Nadurog ang puso ko nang makita kung paano nagdaan ang sakit sa mukha ni Zero. Umiiyak parin silang dalawa hanggang sa unti unting tumayo si Zero at ngumiti ng malamya.
May salita siyang binitawan hanggang sa umalis na siya at pinatakbo ng mabilis ang kotse, at alam ko rin sa oras na iyon wala na ang lakas nila para sa isa't isa.
Napaluhod si Vixen kaya tumakbo na kami papunta sa kaniya, kumawala pa siya at tumakbo sa daan pero agad siyang nanghina dinala namin siya sa kwarto niya.
"h-huwag ka ng umiyak" malambot na sabi niya pero naiiyak parin ako.
"m-magpagaling ka para hindi na ako umiyak, Vixen please madaming nagmamahal sayo" Pagmamakaawa ko pero ngumiti lang siya at tumingin sa kisame.
Pagkatapos ko siyang bihisan ay pumunta siya sa harap ng salamin inaayos ko ang favorite niyang damit. Dress na white na above the knee at walang manggas off shoulder siya.
"t-tara na" nanginginig kong sabi, mag uumaga na pala. Tinulungan ako nila Andrew na ipahiga siya hanggang sa makatulog siya tumabi ako kay Gab at umiyak nanaman habang nakatingin kay Vixen.
"wala na tayong magagawa" mahinang sambit ni Andrew saamin, napatahimik kami dahil alam na namin ang mangyayari pero hindi namin maiwasan na masaktan talaga dahil sa ganitong kaaga.
Nakatulog kami hanggang sa nakarinig nalang kami ng kalabog at pagkagising palang hindi na kami naalimpungatan dahil sa nakatia namin na nakahiga sa sahig si Vixen.
Agad nila itong binuhat at pinahiga sa kama aligaga na ang lahat lalo na ng makita naming halos hindi an niya maibuka ang mata niya.
She wish to see the sunset at agad naman naming sinunod iyon, umiiyak ang mga kasambahay sa bahay nila nang lumabas siya nginitian niya ang mga ito na animong ito na ang huli.
Sumakay kami sa kotse humiga siya sa lap ko habang papunta kami sa resort, and god knows kung gaano ko pinipigilan ang paghikbi ko.
Nakarating kami doon na inalalayan namin si Vixen, nakasunod samin si Andrew na hawak ang jacket ni Vixen. Napatigil kami sa harap ng pintuan.
Tumingin siya samin saka kami niyakap isa isa, alam kong ito na ang huli na makikita ko ang ngiti niya humiwalay siya samin saka siya ngumiti agad na nag unahan ang luha ko sa pagbagsak at bago pa ako matumba ay niyakap na ako ni Gab na halatang nahihirapan din.
Lumabas si Vixen sa bahay ay naglakad ng marahan sa buhanginan papunta malapit sa karagatan. Isa lang masasabi ko ang ganda niya, kasabay ng pagsayaw ng mga niyog sa gilid ay ang pagsayaw din ng buhok niyang mahaba at dress niya.
Sunod kaming lumabas pagkatapos niyang tuamayo doon, niyakap niya ang sarili niya saka tumingala. Hindi namin kita ang harap niya dahil nakatalikod siya, nakayakap parin si Gab saakin hanggang sa bumukas ang pinti ang iniluwa yun si Zero na namumugto ang mata.
Agad na nakita iyon ni Kuya at tinura ang kinalalagyan ni Vixen, tinapon niya ang mga papel na hawak niya at tumakbo kahit nanghihina na pumunta sa babaeng mahal niya.
Napatingin ako kay Ellie na umiiyak din na nakawedding gown pa, isa lang ang naiisip ko hindi natuloy ang kasal. Niyakap siya ni Andrew kahit naguguluhan ako ay hindi ko na naisip pa ng makita ko ang pamilya ni Zero na nasa loob, ultimo mga magulang ni Zero ay umiiyak sa nakikita ngayon. Umapoy ako sa galit nang makita ko ang lolo niya na nakatayo at nakatingin sa dalawa.
Pero yung galit ko napalitan ng pagod nang mapatingin ako kay sa dalawa na nasa harap malayo saamin, i saw how Vixen fell and Zero grab her fast saka binuhat. Niyakap ni Vixen si Zero, i saw how Zero slowly sway their body. Napapakapit nalang ako kay Gab sa masasakit na pangyayari.
He kiss Vixen, matagal na halik bago siya humiwalay at kasabay ng pagbagsak ng katawan ko at panghihina ko sa sahig ay siyang pagbagsak ng kamay ni Vixen mula sa pagkakayakap kay Zero na siyang nagdurog sa puso ko dahil alam kong wala na ang kaibigan ko.
Hanggang sa huli Vixen, masaya ako para sayo dahil alam kong nakasama mo ang taong mahal mo hanggang sa huling hininga mo.
BINABASA MO ANG
Love me till the end [COMPLETED]
Teen FictionBe strong baby always remember that i love you. -Vixen Alinsky