7

285 9 0
                                    


"Vixen! May assignment ka na?" yan ang bungad ni Lei sakin pagkapasok ko sa klase namin. Babaeng to hindi nanaman niya nagawa yan party pa kasi.


"bahala ka diyan" asar ko sa kaniya, hinampas niya ako saka sumimangot.


"nagbago ka na" sabi niya na parang bata inihampas ko sa kaniya ang papel at nang makita niya iyon ay agad siyang umupo saka nagsulat.


I was about to sit when i felt a pain in my chest agad akong napatigil at hinawakan ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga. Nahihilo narin ako, Napahawak ako sa upuan ko napatingin si Lei sakin saka siya tumayo at lumapit sakin.


"okay ka lang? Namumutla ka!" umupo ako at pinikit saka pinakalma ang sarili ko saka uminim ng tubig. Nakatingin parin sakin si Lei na seryoso.


"ano bang nangyayari sayo?"


"siguro puyat lang, magsagot ka na" sabi ko sa kaniya, tumingin siya sakin isang beses saka nagsulat ulit. What was that? Puyat ata ako.


Dumating narin ang prof namin and i hate monday dahil tuloy tuloy ang pasok namin ngayon. Tumingin ako sa labas while waiting for our next prof. madami kaming ginagawa since graduating na at 4 months from now graduate na kami.


"OJT na pala natin next week ah" nasabi ni Lei, she's busy taking notes gusto niya ring makagraduate eh. Oo nga pala OJT na namin next week sasabihin ko na kay Kuya.


"sabay tayo mag apply?" she ask tumango ako, minutes later pumasok na ang prof namin nagparecitation siya kaya lahat ng classmate ko ay kabado good thing nag advance reading ako.



Natapos ang klase namin they just reminded us of our OJT na hindi na namin kailangang pumasok pa sa school.


"finally! Wala nang pasok makakauwi narin!" sabi ng mga classmates ko, halos hindi na kami naglunch dahil nagready kami ng resume. I checked whats the time and its already 3 in the afternoon.


"uuwi ka na?"


"yeah. Gusto ko nang humiga" sabi ko sa kaniya some of our classmates went home already.


"sayang mall sana tayo"


"hindi ka ba napapagod?"


"bakit naman ako napapagod. Ang aga kaya naming umuwi kahapin ni Gab, may emergemcy kasi daw sa kanila eh" napaiwas ako ng tingin nang maalala ko nanaman kung ano ang nangyari kahapon.


"ano ngang nangyari kahapon sa inyo? Taray meet the parents agad ah!" saka nanaman niya ako hinampas ng kamay niya. Ang gaga talaga napakasakit ng kamay niya eh.



"wala naman, nakilala ko lang pamilya niya" at ayun nga hinampas nanaman niya ako.


"weh? Di nga? Matinik din si Zero ah" tumawa siya ng malakas nakakahiya talaga tong babaeng to.


"hindi na ako magugulat kapag naging kayo!"


"tumigil ka nga ni hindi nga nanliligaw eh" parang binabawi ko agad ang sinabi ko.


"so kapag manliligaw sasagutin mo? Ayun! Talanding to!"


Nagpatuloy lang kami sa pagbabangayan hanggang sa makarating kami sa kotse niya.


"ano? May susundo ba sayo o ihahatid na kita?" she ask, agad akong sumakay dahil ayokong maabutan ako ni Zero dito natawa naman siya.


"may pinagtataguan ah! Ano ba talagang nangyari kahapon?" agad akong napapikit nang maalala ang maling dinig ko sa sinabi niya kahapon.

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon