16

259 6 0
                                    

"Kuya ano ba!" sabay tulak ko kay Kuya sa pool, tawang tawa naman siya. Kanina pa kasi niya ako inaasar eh.

"ano na sis? Hulog na hulog ka na ba sa mokong na yun?"


"pinapaalala ko lang sayo kuya kapatid siya ng mapapangasawa mo" inungusan niya lang ako saka siya umahon. Madami naring tao, pagabi na kasi eh kaya sila nagsisidatingan.

"kuya nameet mo na lolo niya?" umupo si kuya sa tabi ko saka sumeryoso.

"honestly ayaw niya rin sakin noon, pinagtabuyan niya ako nilayo niya si Zenia sakin kaya nga nag LDR kami" nalungkot ako para sa kuya ko, ang kapal talaga ng mukha ng matandang iyon.

"pero hindi niya alam tinutulungan kami ng mga kaibigan ko sa loob ng maraming taon"

Natahimik kami pagkatapos iyon, napatingin ako sa mga taong masayang naliligo. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng sumakit nanaman ang dibdib ko.

"eh ikaw nakilala mo na?" tumango ako sa sinabi niya.

"kahit anong mangyari huwag kayong pabubuwag ha? Nakikita kong mahal niyo ang isat isa. Be strong sis lolo niya ang kalaban niyo" napatango ako sa sinabi niya.

Napaisip ako, magkakaroon siya ng fiancee. Ano ang gagawi ko? Mapipigilan ko ba?

"paano kuya kung siya na ang umayaw?"

"just trust me hindi siya aayaw sayo"


Napatingin kami sa gilid ng marinig namin ang sigaw ni Lei na parang naiinis na.

"ano ba Gab! Peste nito dun ka nga!" palapit sila ng palapit kaya naman tumayo na kami.

"bastos ka talaga Gab hayop ka!" binatukan ni Zero si Gab, habang si ate naman ay tumatawa habang hawak ang pagkain.

"sorry na nga eh! Di ko naman alam na hahatakin niya pababa ang shorts ko" napanganga ako sa sinabi ni Gab. Ano bang sinasabi nito?

Lumapit si Kuya kay ate para tulungan na ibaba ang pagkain na hawak niya, lumapit naman ako kay Zero hinapit ako ako sa bewang kaya napakapit ako sa braso niya habang nakaharao kami kay Gab at Lei.

"gago ka kasi eh sino ba kasing may sabing pumasok ka doon? Alam mo na ngang may pagnanasa ang babaeng yon!"

Natawa ako sa sinabi ni Lei ganun pala ang nangyari, napatingin ako kay Zero na nakatitig saakin. Tinampal ko ang pisngi niya saka kumawala sa kaniya dahil kumakalabog ang puso ko.

"mahal sorry na" napaigik ako ng marinig ko ang panlalambing na boses ni Gab.

"kainis! Hindi na makakapasok yan sa Bataan nakita na yan ng iba" halos hilahin ko ang buhok ni Lei sa sinabi niya.

"aray ko naman Vixen!" nakanguso niyang sabi sakin.

"gaga! Andaming tao Bataan ka pa ah!" sumimangot naman siya saka ako hinila paalis doon, umupo kami sa may gilid.

"hayaan mo na" sabi ko sa kaniya dahil para syang pinagsakluban ng langit at lupa.

"gago siya sabi niya akin lang yun eh ang laki pa naman non" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Lei ang bantot ng bibig mo!"

"eh ano naman eh nagjugjugan kami kanina bago kami lumabas no" napailing nalang ako, ang vocal talaga ng babaeng to.

Nagulat ako ng bigla siyang tumalon sa pool saka ako hinila kaya napasigaw ako, pero walang nakakarinig dahil sa malakas na tugtog.

"my goodness Lei! Akala ko mamamatay na ako!"

Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon