10

282 6 0
                                    

"tabi! Get out the way! Pretty girl coming through!" agad kong hinampas si Lei pagkapasok namin sa building nga pag OJT namin.

Tumawa ang mga kablock mates at classmates ko, halos dito kaming lahat nag OJT kanina pa ako iniinis ni Lei tungkol sa post kahapon.


"sana all may baby diba Anne?" tanong ng classmate ko, tumango tango naman si Anne napanguso ako at tinatago ang ngiti.


"ay wala na ngumingiti na mag isa tirador ng Med" sabay hampas sakin ni Lei.


"pero may crush sayo no?" tukso sakin ng mga kasama ko, umiwas ako ng tingin at naalala ang kahapon.


"landi neto!"


Sumeryoso na kami nang magsimula ang gagawin namin dito, lalo na at ang sungit ng isang nag guide samin ang sarap sapatusin. Gabi na ng matapos kami at halos hindi ako makakain ng tanghali kanina kaya gutom na gutom ako.


"uuwi ka na?" i ask Lei na mukhang pagod, baka sunduin siya ni Gab eh.


"oo eh kararating kasi ni Dad kaya kailangan kong umuwi" tumango ako naglakad na kami papuntang parking lot.


She bid goodbye and kiss me in the cheeks saka siya sumakay sa kotse niya af umalis na.  Tinawagan ko na si Kuya pero hindi siya sumasagot kaya nagtext nalang ako sa bahay para magpasundo. My hunger ate me nakakita ako ng isang vendor sa gilid lumapit ako doon nagaalangan pa akong bumili dahil hindi ako kumakain neto.


Kapag naman hindi ako kumain baka mamatay ako sa gutom, bumili ako ng isang orange na bilog at saka fish ball. My phone beep at binuksan ko iyon it was a chat from Zero.


'you home now?'


I sent a picture of my food saka ko sinend iyon, agad akong kumuha ng sauce at kumain na i sat at the plant box there. Masakit narin ang paa ko sa kakatayo mula pa kanina, i chew my food napangiti ako sa nalasahan ko. Sarap pala makabili nga nito at iuuwi ko.


My phone rings and i opened it agad akong kinabahan ng tumatawag si Zero concious tuloy ako sa itsura ko pero sinagot ko parin. Nasa loob siya ng kotse niya at parang nagdadrive.


"hey dont call while your driving" malumanay kong sabi dahil kumakain ako.



"whats that?" tukoy niya sa kinakain ko, itimaas ko iyon at pinakita sa kaniya. He's busy driving at hindi ko pinatay ang tawag i was staring at him ang gwapo niya.



Suddenly nagstop ang car saka niya kinuha ang walet at phone saktong napataas ang tingin ko at lumabas siya sa kotse sa nakaparada sa harap ko. Halos mabulunan pa ako nung nakita ko siya bakit mas lalo siyang gumwapo?


"wala ka bang sundo?" sabi niya at umupo sa tabi ko, nakatitig parin kami sa isat isa saka ako umiwas ng tingin.


"nagtext na ako sa bahay walang nagrereply kaya baka magcommute ako ngayon"



"ihahatid na kita mamaya, bakit hindi mo sinabi?"


"eh kasi hindi ko alam sched mo malay ko ba kung out niyo na" sabi ko saka kumain pa. Kinalikot niya ang phone niya at tumunog naman ang phone ko.


"i sent it to you para alam mo ang schedule ko" napatitig ako sa sinend niya, binabasa ko iyon halos wala silang vacant time ah.


"kuhanan mo ng ako ng juice" wala sa sariling sabi ko, agad akong tumingin sa kaniya.


"halla joke lang ako nalang!" bigla kong sabi pero tumawa lang siya saka tumayo at bumili ng juice pero ang isang to 500 yung pera eh baka walang pambarya si manong. Pinalitan niya at nagbigay ng bente saka binigay sakin.


Umiinom lang ako doon habang tinitignan ang schedule niya, he's being silent kaya naman pagkatapos kong uminim nag aya na ako na umuwi.

"ahm pwede ko bang tanggalin ang hills ko ang sakit na kasi ng paa ko eh" nahihiya kong sabi, he bit his lower lip para pigilan ang ngiti.


"go on baby" puso ko nanaman. Ano bayang baby na yan nakakakilig.


"i have uploaded a picture nakatag yun sayo" agad kong kinuha ang phone ko habang inuunat ko ang paa ko. Sa fb ako pumunta at halos sumabog nanaman sa notification at account ko tinignan ko ang pinost niya.


Ako yun habang nakatingin sa phone ko at umiinom ng juice, naka caption pa na cute with headt emoji nangunguna nanaman si Lei sa comment.

'kaya pala hindi umuwi agad sana all'


'sya ba yung Ellie?'



Napakunot ang noo ko pagkabasa nun, sino ba talaga yung Ellie? Bakit ako pinagkakamalan na ganun? Pinatay ko na ang phone ko.


"you're already posting my pictures at social media huh?"


"im just proud"


"FYI we are not in that relationship yet"


"i know thats why im courting you" ay wow nanliligaw na pala machismis nga kay Lei mamaya.


"ah nagpaalam ka na kay Kuya?"


"yeah. Nung sinundo kita kahapon sinabi ko na sa kaniya niloloko ka lang niya but he said that i should take this seriously"



Nagkwentuhan lang kami kung paano ang araw namin hanggang sa maihatid niya ako sa bahay, this time sa harap na mismo ng bahay namin niya ako hinatid. I can see from here that Kuya is watching us from inside.


"pasok na ako ingat ka" sabi ko sa kaniya saka ngumiti, he smiled and pat my head ano ako aso?


He smoothly entered his car saka umalis na, nang hindi ko na makita ang kotse niya ay pumasok na ako. Naabutan ko si Kuya na may ginagawa nanaman.


"wow ginabi ha" pang aasar niya sakin.


"nagtext ako Kuya walang sumundo kaya nakisabay na lang ako"


"sorry i didn't have time to check my phone, naghahanap kasi ako ng magandang pupuntahan" umupo ako sa tabi niya at tinignan ang laptop niya. He's looking for a beach resort.


"wow naman Kuya san kayo pupunta ni Ate?"


"balak ko sana sa Maldives eh" napatingin ako sa kaniya, sosyal ah.


"ano yan? Honeymoon?" nang aasar kong tanong sa kaniya binatukan niya lang ako.


"soon little sis at baka doon na ako magpropose" bigla akong pumalakpak.


"wow Kuya ang bilis ah!"


"anong mabilis? Halos 3 years na kami" ako naman ngayon ang bumatok sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin. Anong 3 years? Ganoon na sila katagal pero hindi ko manlang nalaman?


"ang tagal niyo na pala kuya bakit di mo sinabi!"


"baka mainggit ka eh" pang aasar niya sakin.


"help me here babae ka!" tinulungan ko siya kung ano ang gagawin niya. Para pang ako ang kinikilig sa pinaplano namin eh next week na pala sila aalis.


"sama ako kuya" pinitik niya ang noo ko kaya hinampas ko siya sa braso.


"OJT next time na" ngumuso ako. Anong oras na kami natapos at napagdesisyonan namin na kumain kami. Kami na lang ang naghanda ng kakainin namin we make our maids rest when its 9 already kaya kami.lang dalawa dito sa kusina.


Sumandok siya ng ulam at ako naman ay kanin, when suddenly my phone beep and its a chat from Zero. Agad ko iyong binasa he just ask if what am i doing?


Nagreply ako saka ko tinuloy ang pagsandok ng kanin. Naalala ko nanaman ang mga sinasabi niya sakin hindi ko maiwasang hi di ngumiti habang nagsasandok.


"wala na may nanalo na ngumingiti habang nagsasandok. Pasagap naman ng chismis sis"







Love me till the end [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon