Zen's POV
"Sam, pinapapunta ka na ni Leona pabalik sa academy" bungad saakin ni mama pagkabalik niya
Napatayo naman agad ako mula sa pagkakaupo sa couch at nilingon si Chelsea sa sahig habang naglalaro ng mga laruan niya bago ako muling humarap kay mama.
"Bakit biglaan nanaman po ma? May isang lingo pa bago ang pasukan" taka kong tanong
"Madaming mga bagong mag eenroll kaya baka mahirapan ka kung sa mismong unang ng araw ka mag paparegister. Nakausap ko na din si Leona at siya pa mismo ang may gusto na sumundo sayo pero sabi ko na solo ka nalang pupunta doon---- ay hindi, isasama mo pala si Chelsea para makapag aral na din siya" paliwanag ni mama
"Ngayon na talaga ma? As in right now?" gulat ko pa din na tanong
Mag tatalong linggo palang kami dito sa Magia at sa susunod pa na linggo ang pasukan. Bakit kailangang madaliin ang lahat?
"Sam, mag ayos ka na at ako na ang bahala kay Chelsea" utos saakin ni mama kaya wala akong nagawa kundi sundin iyon
Pero kahit na, hindi pa din mananahimik kuryosidad ko. Babalik ako sa academy hindi lang dahil namimiss ko na sila at para mag aaral, kundi pati na din alamin kung bakit ganito ang inaakto ni mama. Para siyang sobrang balisa sa mga nangyayari at gusto nyang madaliin ang lahat.
Habang naliligo ay kulang nalang makabuo na ako ng isang libro na puno ng mga kwestyon. Mabilis akong nag bihis at inayos lahat ng gamit ko dahil tulad ng dati ay wala naman akong dadalhin na gaanong kadami na gamit at mga damit.
Pagkababa ko ay naandoon na si Chelsea at si mama habang may dala dala na isang backpack si Chelsea at dalawa sa mga laruan niya.
"Wag na wag mong aalisin ang kwintas na suot mo" bilin saakin ni mama
Hanggang dito nalang sa tapat ng bahay niya kami hinatid dahil may mga gagawin pa daw siya. Nang sinabi niya yun ay napahawak ako bigla sa kwintas na suot suot ko na nakatago sa ilalim ng damit ko .
Sobrang dami kong tanong ngayon pero alam ko naman na kahit isa dun ay walang sasagutin si mama kaya mabuti pang tumahimik nalang at ako na mismo ang maghahanap ng mga kasagutan sa kuryosidad ko.
"I will ma" simpleng sagot ko
"I know you have a lot of questions playing in your mind Sam, but please, trust me on this anak, okay? There's nothing for you to be worried about" pilit na ngiting sabi saakin ni mama
Napabuntong hininga nalang ako at tumango dahil tulad ng inaasahan ko ay wala siyang balak na sabihin saakin ang nangyayari.
"Chelsea, behave okay?" nakangiting sabi ni mama kay Chelsea
"Opo mama!" nakangiting sabi ni Chelsea, mama na din ang tawag niya dahil inampon na siya ni mama. Wala na din kasing magulang si Chelsea.
"O'sya, pasok na ako sa loob. Mag iingat kayo, maliwanag?" bilin saamin ni mama at tumango nalang kami ni Chelsea saka siya pumasok muli sa loob ng bahay
"Don't you want to walk? I can do teleportation" I said, and I saw her eyes sparkles
"Talaga po!? Kaya nyo pong mag teleport?" mangha na tanong niya
"Of course, you wanna try?" nakangiting sabi ko at derederetsyo naman ang pag tango niya
I held her hand and without a minute, we're here in front of the academy. Hindi ako nakapasok sa loob dahil parang may pumipigil saakin. Siguro ay mas pinatibay at mas pinahigpit na nila ang barrier na nakapalibot sa buong academy pagkatapos ng huling digmaan.
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...