3 : Chelsea

2.4K 100 1
                                        

Zen's POV

"We're staying here for good" sabi ni mama

Nauna ng makaalis saamin si HM dahil kailangan pa siya sa academy. Naandito kami ngayon sa isang bayan malapit sa Green Market para hindi din naman kami ganun kalayuan sa academy. Medyo malapit na din kasi ang pasukan.

Nilibot ko paningin ko sa buong bahay, medyo may kalakihan ito kumpara sa bahay namin sa mortal world at may apat din na kwarto. Parang kasing lawak na din ito ng bahay ng mga Krimson. Habang nag aayos ng gamit si mama ay nag libot libot muna ako dito sa labas dahil sobrang namiss ko ang atmosphere dito sa Magia.

May ilan akong mga nakakasalubong pero siguro ay hindi nila ako makikilala dahil suot suot ko pa din ang cloak ng hood ko. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging masiyahin ng mga tao dito kahit na halata naman sa kasuotan ng iba na medyo naghihirap sila at ang ilan ay kukang sa pera ay sobrang liwanag pa din ng mga ngiti nila.

Habang nag lalakad ay napatigil ako ng may bumangga sa likuran ko kaya pagkayuko ko ay may nakita akong isang batang babae na sobrang dungis.

"P-Pasensya na po.." nahihiyang aniya habang nakayuko

"Ayos lang, sa susunod ay mag iingat ka" simpleng sabi ko

Tatalikuran ko na sana ulit siya ng nakita kong may parang kadenang naka lagay sa ankle niya kaya lumuhod ako sa harapan niya at tiningnan iyon bago humarap sakaniya. Alam ko ang ganitong klaseng kadena, ito yung mga ginagamit sa mga katulong para hindi nila magamit ang kapangyarihan nila okaya para ma-track sila ng kanilang mga amo kung sakaling tatakas man sila.

"Isa kang batang katulong?" tanong ko

"P-Po? Ahh.. o-opo.." sagot nya

Napatingin ako sa mukha niya dahil mukhang pamilyar siya saakin at parang nakita ko na siya noon. Nang bigla kong naalala na siya din pala yung nakabangga saakin noon sa Sehara nang umuwi ako noon. At mukhang hindi niya na ata ako naalala.

(A/N: BOOK 1, Chapter 17 : Sehara, siya po yung batang babae na nakabangga ni Zen)

Mag tatanong na sana ako pero nadinig kong tumunog tiyan niya kaya natawa naman ako ng kaunti bago ako tumayo at nilahad ang kamay ko sakaniya. Tumingala naman siya saakin na para bang nag tataka.

"Ibibili kita ng pagkain sa green market and don't worry, wala iyong kapalit na kahit ano" simpleng sabi ko

Nakita kong nagliwanag ang mukha niya at ngumiti saka tumango tango pa na para bang excite na excited sa sinabi ko. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa Green Market at agad naman akong nag hanap ng isang kainan doon pero dahil punuan sa loob ay naandito kami sa labas kumakain.

Nag order lang ako ng maiinom pero pinuno ko ng mga iba't ibang pagkain ang lamesa para lang sakaniya. Nakita kong nag dasal muna siya bago derederetsyo na kumain. Halos mabilaukan pa siya dahil sa sunod sunod na pagsubo niya at halata na gutom na gutom.

"Slow down and chew the food carefully" sabi ko dahil baka mabulunan siya

"Sorry po.."

"Anong pangalan mo?" tanong ko

Inubos niya muna yung nasa bibig niya bago sumagot saakin "C-Chelsea po.." nahihiyang aniya

"Chelsea? Your power is related to water element right?" dahil halata naman sa pangalan niya, it's a combination of a shell and a sea

Tumango naman siya "O-Opo.."

"I'm Zenadia," pagpapakilala ko at tinanggal ko yung hood ko bago ngumiti sakaniya ng kaunti "Hindi ko alam kung natatandaan mo ako---"

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon