21 : People of Prophecies

1.3K 70 2
                                    


Zenadia's POV

Nang magising ako kinabukasan ay hindi ko alam kung anong oras na dahil wala namang orasan dito. Taklob din halos ang kalangitan kaya 'di ko alam kung paumaga na ba o hating gabi palang pero ng tumingin ako sa bintana nitong kwarto ko ay sarado pa ang mga ilaw ng ilang bahay kaya sa tingin ko ay malapit palang mag umaga palang

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay agad akong nag tungo dun sa bahay kung nasaan ang mga Elders. Kakatok palang ako ay agad na itong bumukas at bumungad saakin ang mukha ni Hestia na nakangiti.

"Magandang umaga" pag bati niya

"May gusto akong malaman" pag dederetsyo ko

Pinapasok niya ako sa loob at sa tingin ko ay siya palang ang gising dahil sya palang naman ang nakikita ko. May ilang mga katulong dito pero kakaunti kumpara sa inaasahan ko. Hindi tulad ng ibang mga pinuno na gusto ay maraming mga katulong, kakaiba sila dahil halos mamukhaan ko na ata ang mga tagapag silbi dito dahil sa kakaunti nila.

"Nais mo ba munang kumain ng umagahan?" tanong niya

"Hindi na, gusto ko lang ng totoong kasagutan" sabi ko habang nakatingin sakaniya

Ngumiti siya muna bago sumagot saakin "Sige, sasagutin ko mga tanong mo sa abot ng aking kaalaman"

"Hindi sadya ang pag punta saakin ng mapa ninyo, tama ba?" unang tanong ko

Agad naman siyang tumango "Oo, ang iyong tinuturing na ina, si Ariona, ay binigay ko na sakaniya ang mapa noon palamang pero dahil sa salungat sa kagustuhan niya na pumunta ka dito ay hindi nya ito binigay kaya kami na mismo ang gumawa ng paraan para makita mo ang mapa" sagot niya

"Anong paraan?" takakong tanong

"Sana ay wag kang magalit pero kami ang nag sumbong sa hari ng sagradong kaharian ang tungkol sa iyong ina, ang tungkol sa kaniyang sumpa na hindi naman natuloy" paliwanag niya

Napakuyumos ako ng kamay dahil sa narinig ko pero agad din akong kumalma dahil wala na namang patutunguhan kung magagalit pa ako dahil nabuhay na naman muli si mama sa tulong ng dyosa Trina.

"Bakit?" tanong ko muli pero mukhang hindi niya ito maintindihan "Bakit gusto ninyong makita ko ang mapa ninyo? Anong dahilan?"

"Hindi ako sigurado kung ito ang tamamg panahon para malaman mo---"

"Bakit hindi pwede?" tanong ko ulit

"Dahil mapapahamak ka" seryosong saad bito. Yung kaninang masiyahin na mukha ay biglang naglaho at napalitan ng kaseryosohan at ma-awtoridad na itsura

"Kung kilala niyo na ako noon palamang, alam ninyong hindi ako titigil dahil lang sa dahilan na iyan. Alam nyong hindi ako susuko kahit na alam kong ikakapahamak ko, mas lalo nyo lang ako binibigyan ng dahilan para alamin ang lahat" seryoso ko din na sabi

Nakipag titigan siya ngbilang sandali pero kusa siyanv umiwas at napabuntong hininga bago umimik muli "Dala mo ba ang libro?" napakunot ng kaunti ang noo ko dahil sa tanong niya.

Libro? Anong---

Natigilan ako ng malaman ko kung anong libro ang tinutukoy niya. Pinalabas ko yung libro na puno ng blangkong pahina saka pinatong iyon sa hita ko.

"Anong kinalaman ng librong ito?" tanong ko

"Basahin mo ang pamagat" sabi niya

The Girl with Purple Eyes..

Ilang beses ko pa iyong binasa hanggang sa ma-gets ko kung ano-- kung sino ang tinutukoy nito. Muli akong napatingin sakaniya at nanatiling seryoso ang mukha

Written In The Prophecy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon