38 : Zabala

1.4K 80 15
                                    

Zenadia's POV

Mas maaga akong nagising kesa sa inaasahan ko. 4:00am ang alis namin at 2:40 palang ay nagising na ako. Sinubukan kong umidlip kahit ilang minuto pa pero hindi na talaga ako dinalaw pa ng antok kaya dumeretsyo na ako sa banyo saka ginawa ang daily routine ko.

Habang nag bibihis ay hindi mawala sa isip ko kung sasabihin ko na ba kina Ethan ang tungkol sa propesya. Nag dadalawang isip ako dahil baka magalit siya saakin okaya may gawin syang katangahan na magkakapag pahamak sakaniya. Hindi pa man din nag iisip ang isang yun at nag papadala sa damdamin.

Tutal ay naka handa na naman mga gamit ko ay hindi na ako nagtagal pa pero dinala ko yung libro na may mga blangkong pahina. Nag teleport ako sa royalties chamber at tulad ng ng inaasahan ay si Kade palang ang gising sakanila.

"Oh Zen, aga mo namang pumunta dito" bungad niya

"Maaga akong nagising" simpleng sagot ko at dumeretsyo sa kusina

Ramdam ko naman na nakasunod siya saakin kaya hindi ko na siya nilingon. Nakita ko na may mga nag hahandang servants ng mga pagkain sa lamesa.

"Are the others awake?" tanong ko

"Tulog pa panigurado si Draven at yung iba? I don't know" sabi ni Kade "Sunduin ko lang si Miller sabihin ko satin na sumabay kumain" sabi niya at tumango nalang ako bago siya naglaho

Umakyat ako sa kwarto nina Diana at kakatok palang ako ay binuksan na nya iyon .

"Kakagulat ka naman Zen, by the way.. good morning!" bati niya

"Morning" simpleng bati ko pabalik bago tinubgo yung kwarto ni Danica. Kumatok ako ng tatlong beses bago umimik "Danica"

"Wait! Nag papaganda pa!" dinig kong sigaw niya

Dumeretsyo naman ako sa kwarto ni Draven saka kumatok pero walang sumagot kaya napilitan akong mag teleport dito sa loob ng kwarto niya. Ngayon lang ako nakapasok dito at masasabi ko na sobrang garden theme ng kwarto ni Draven.

Maliwanag dito sa loob pero hindi naman ganun kaliwanag, sapat lang para mabuhay ang mga halaman niya. May ilang mga nakadikit paakayat na mga halaman sa pader at yung inaapakan ko ngayon ay damuhan, para akong nasa isang secret garden tsk.

"Draven.. Draven, wake up" paggising ko dito pero sadyang tulog mantika ata ang isang ito kaya nakaisip ako kubg paano siya magigising "Kapag hindi ka pa bumangon dyan, mauubusan ka na ng pagkain"

Kahit imposible ay alam kong paniniwalaan niya, uto uto kaya ang isang ito.

At hindi nga ako nagkamali, bigla siyang bumangon st halos takbuhin ns ang daan papunta sa banyo at malakas na sinarado iyon. Sa tingin ko ay maliligo na siya kaya nag teleport na ako sa loob ng kwarto ni Ethan at tulad dati ay sobrang dilim dito sa loob, sobrang kabaliktaran ng kwarto ni Draven.

"Ethan.. hey, sleepy head, it's time to wake up" sabi ko habang niyugyog siya. Ilang minuto pa ay akmang hihilahin na nya ako pahiga ay agad akong lumayo "Bumangon ka na dyan" sabi ko

"Yakap lang eh" kahit madilim ay alam kong nakanguso siya

"Hihintayin ka namin sa ibaba" sabi ko bago nag muking nag teleport dito sa may kusina at napataas isa kong kilay ng bakita ko si Drave doon na nauuns ng kumain "Bilis mong maligo ah" panigurado na ginamit nanaman niya ang bilis niya

"Baka ubusan nyo ko ng pagkain eh" sabi niya habang may laman ang bibig kaya napangiwi ako

"Hoy Draven! Manners naman!" singhal sakaniya ni Diana na kakadating lang

Written In The Prophecy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon