53 : Her Powers

1.6K 73 36
                                        


WARNING: SOME BRUTAL SCENARIOS AHEAD! AND YOU MAY NOT LIKE THE NEW APPEARANCE OF ZEN BUT IT'S THE REAL DEFINITION OF A DEMON, SO PLEASE BEAR WITH IT A LITTLE.




Third Person POV

Sa isang iglap ay agad na naglaho ang walang buhay na katawan nina Ariona at mga kaibigan ni Zenadia, kasama na din ang mga walang malay na katawan ng labing isang myembro ng 12 Thrones. Hindi na nagulat doon si Gretphine dahil alam niya na si Zenadia ang may kagagawan nuon.

"Pagsisisihan mo na nabuhay ka pa" madiin at tila ibang boses na sambit ni Zenadia habang unti unting naglalakad habang nakalutang sa ere

Kahit na nakakakilabot ang itsura nito ngayon dahil sa umiilaw na purong lilang mata nito, mga linya na tila tattoos sa katawa, maliit na sungay na parang isang tunay na demonyo at nakakatakot na aura ay hindi pa din maalis ang ganda sa itsura ni Zenadia.

"Oh really? I highly doubt that" mapang asar na sabi ni Gretphine at ngumisi "I just enjoyed killing your friends earlier and ohh.. I've been wanting to kill Ariona---"

Hindi na natapos ni Gretphine ang kaniyang sasabihin nang wala pa sa isang iglap na umatake si Zen at sa isang sipa nito ay tumalsik papalayo si Gretphine saka malakas na tumama sa pader.

"You're just indirectly wishing for your own death" malamig na sabi ni Zenadia at sa isang pag kurap lang ay nag bago na ang mata nito na tila ba isang mata ng ahas. Ang mata ni Vil.

May lumalabas na kulay itim na usok sa palad ni Zenadia kasabay ng pag tubo ng mahaba nyang kuko. Kahit sa unang tingin ay malalaman na sobrang makadamdag nito.

Mabilis na umayos si Gretphine at winasiwas ang kaniyang staff kasabay ng paglabas ng limang kulay pulang blades at bumulusok iyon sa direksyon ni Zenadia pero sinira lang iyon ni Zen sa pamamagitan ng pag hawi ng kaniyang index at middle finger sa hangin.

Bumalantay ang gulat sa mukha ni Gretphine pero kalaunan ay agad ding ngumiti ng nakakakilabot.

"Zenadia.. Zenadia.. Zenadia.." pagbanggit ni Gretphine sa pangalan nito at napailing iling "Kung alam ko lang sana na kakalabanin mo ako ay sana hindi na kita binuhay pa" sabi nito at nanatili lang nakatingin si Zen ditohabang iniisip kung paano nya papatayin si Gretphine "I thought that we could have the best mother and daughter relationship while we're ruling the whole magic realm. But no," pabitin nito at makikita ang pagkainis sa mukha ni Gretphine "All I feel for you is hostility and disgust" sabi nito at agad na tinapat ang kaniyang dulo ng staff kay Zenadia

"The feeling is mutual.. mother" malamig ngunit madiin na wika ni Zenadia

Nagpalabas ng pulang kapangyarihan si Gretphine mula sa kaniyang staff ngunit nang inangat ni Zenadia ang kanang kamay nya at tinapas ang palad sa papalapit na atake ni Gretphine ay agad na nag laho iyon na parang bula.

Nang muling nag palabas ng kapangyarihan si Gretphine ay ang kaniyang scythe naman ang kanyang ginamit na pang sangga dito kaya kung saan saan iyon napupunta. Patuloy lang sa pag salag si Zenadia habang nag lalakad papalapit.

Naiinis na si Gretphine dahil parang wala lang dito ang pag atake niya kaya pwersahan nya itong sinugod. Kahit na staff ang kaniyang sandata ay kasing tibay ito ng daang daang espada. Ubod ito ng lakas at kapangyarihan na hindi basta basta masisira ng mga mahihinang nilalang.

Gumawa ng isang malakas na ingay ang pagsalpok ng kanilang mga sandata ngunit hindi natatapos iyon doon dahil habang sinusugod ni Gretphine si Zenadia ay nag lalagay siya ng malilit na parang mga bomba sa paliid ng dalaga.

Nang patalon na lumayo si Gretphine kay Zenadia habang naka lutang sa ere ay kasabay nun ang malakas na pagsabog sa paligid ni Zenadia na nagpaguho sa parte ng palasyo kung nasaan sila kaya mabilis na lumutang papalayo sa palasyo.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon