22 : Training

1.7K 76 7
                                        

Zenadia's POV

"You all need to be trained" napakunot noo ko dahil sa sinabi ng mga Elders

Pagkatapos naming mag usap usap kanina ay inutusan nila kaming mag bihis pang ensayo kaya ginawa namin kahit na naguguluhan at ngayon, naandito kami sa labas ng isang pintuan na sa tingin ko ay nababalot din ng mahika.

"For what?" takang tanong ni Malvie

"For the future purposes, alam kong kulang na kulang pa ang kaalaman ninyo tungkol sa mga nangyayari pero kailangan nyo din na ihanda ang mga katawan ninyo dahil pwede kayong mapasubok sa isang labanan kahit anong oras" sabi ni Evadne

"At ang sinasabi naming paghahanda ay kailangan nyo ng simulan ngayon din" sabi ni Kreios at bigla bigla nalang umatake kay Jam kaya hindi siya nakadepensa agad at tumilapon sa di kalayuan

"Ahh! Shit! A-Ang sakit" pag daing ni Jam at pinilit na umupo

"Yan! Tatanga tanga kasi" pang aasar sakaniya ni Zaena kaha sinamaan ni Jam ito ng tingin

Sunod sunod na umatake saamin ang limang Elders at may ilan pang mga pana ang tumitilapon papunta sa amin na sa tingin ko ay galing sa iba pang elves.

"Ahh! Shit!"

"Sandali lang pota!"

"Isa isa lang!"

"Aww! Pause muna!"

"Fuck!"

Pati ako ay napadaing ng kaunti dahil sa sobrang lakas ng sipa saakin ni Hestia. Saakin lang talaga siya naka-focus dahil ako lang naman ang inaatake niya habang yung ibang Elders at iba pang elves ay dun sa anim.

"Focus Zenadia!" sabi saakin ni Hestia at muli akong sinuntok pero agad kong iniharang amg braso ko

"You're the one who's not focusing" sabi ko

Napangisi ako ng kaunti ng may nakita akong open spot sakaniya na pwede kong atakihin kaya agad ko siyang paikot na sinipa sa bandang hita at ng medyo na out of balance siya ay sunod akong nagpalabas ng air blades boomerang saka binato ang mga iyon sakaniya.

Habang abala siya sa pag iwas ay gumawa naman ako ng plant whip at winasiwas sakaniya pero nasalo niya iyon at hinigit ng sobrang lakas kaya muntikan na akong matumba ng mabitawan ko iyon. Pero aayos palang ako ng pagkakatayo ay naramdaman ko na kaagad ang presensya niya sa gilid ko.

Sinikmuraan niya ako at muling sinipa pero nakayanan ko pa ring tumayo kahit na medyo napaatras ako ng ilang hakbang at medyo dama mo din ang lakas ng pagkaka sikmura niya saakin. Wala akong magagawa kundi seryosohin itong laban na ito, dahil kung hindi ay baka masugatan pa ako.

"Don't play with me Hestia" seryosong sabi ko at nag palabas ng isang malaking kulay lila na fire ball sa kaliwa kong kamay at isang air tornado sa kaliwang gilid ko.

Agad ko iyong pinagsamang dalawa kaya nag mukhang isang malaking ipo-ipo ng apoy ang ginawa ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pinalapit iyon sakaniya pero nagulat ako ng nakita ko doon si Ethan sa mismong kinatatayuan ni Hestia kaya mas mabilis pa sa alas-kwarto akong gumawa ng water sphere at kinulong sa loob yung ipo-ipong apoy na ginawa ko din kanina hanggang sa maglaho iyon.

Pero hindi pa nawawala ng tuluyan yung usok sa paligid ng biglang sumulpot doon si Hestia kaya di ako nakaiwas sa sobrang lakas na suntok niya napaupo ako. Ramdam ko ang pagsakit ng gilid ng labi ko at alam kong nadugo iyon. Napatingala ako ng nakakita ako ng pares na paa sa harapan ko at nanlaki ng kaunti mata ko ng nakita ko doon si Ethan.

"Iyan ang isa sa mga kahianaan mo Zenadia, ang iyong pagibig sa prinsipe" sabi ni Hestia at hinawi si Ethan na at para itong usok na nawala

"Illusion?" mahina kong tanong at tumuyo saka hinarap si Hestia

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon