28 : Accusation

1.7K 75 2
                                        

Zenadia's POV

"Ay ginintuang kalabaw! Zenadia!!" sigaw ni Nicolo sa gulat ng bigla akong sumulpot sa harapan niya

"Ginintuang kalabaw? Seriously Nicolo?" hindi makapaniwalamg sabi ko sakaniya bago umupo sa couch

Napailing iling nalang siya at kinuha yung libro na kaninang binabasa niya at naitapon dahil sa pagkagulat. Pinagmasdan ko muna ang paligid nitong bahay nila at medyo maliit liit ito kumpara sa dati nilang tinutuluyan.

"What are you doing here?" tanong niya

"Where's Gina?" I asked instead of answering his question.

"Somewhere in the woods, probably hunting" simpleng sagot nya "Now, answer me young lady, what are you doing here?"

"I missed you and Gina---"

"Zenadia!" suway niya saakin kaya natawa nalang ako ng kaunti dahil lumabas ng kaunti mga litid niya sa leeg

"Okay, okay" sabi ko bago sumeryoso "Are you still planning to stop the prophecy? My prophecy?"

Sandali siyang natigilan dahil sa tanong ko pero agad din siyang nakabawi at bumuntong hininga "Yes"

Hindi na ako nagulat sa sagot niya "Tumigil na kayo" seryosong sabi ko

"Are you really expecting that we'll just sit here and do nothing, knowing that death is already waiting for you? I don't think so, Zenadia" seryoso at may bahid na inis na aniya

Sandali akong hindi nakaimik dahil sa tinuran niya. Tama si Nicolo, alam kong hindi nila kayang manatili nalang at wag gumawa ng kahit anong hakbang pero iyon ang tama, iyon ang dapat gawin.

"No Nicolo, listen to me---"

"No way Zen, you're the one who needs to listen to us" napalingon kami sa may pintuan ng may biglang nag salita at nakita ko doon si Gina na mukhang kanina pa nakikinig ata sa usapan namin ng kuya nya "We will help you, whether you like it ot not"

"You know that I won't let you" malamig na saad ko

"Please Zenadia, stop being hard headed and let us!" pasigaw na sabi ni Nicolo at napatayo na

"No" pag mamatigas ko kaya parehas silang napasinghal sa hangin at halatang naiinis na sa akin "You're aware that once I made a decision, no one can---"

"STOP BEING SO FUCKING SELFISH!!" malakas na sigaw saakin ni Gina na kinatigil ko sandali.

This is the first time she shouted at me. Kahit noong naiinis siya saakin ay hindi niya ako sinisigawan at tinatarayan lang pero ngayon ay galit na talaga siya, sinigawan na ako eh.

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin sakanila "What's the difference between being selfish and being a coward?" mahinang tanong ko at mukhang hindi nila inaasahan na iyon ang itatanong ko "Am I selfish for not telling y'all the truth and stopping you two from what you want to do? Or am I a coward for being afraid that your lives will be in danger and I'm the reason of it?" tanong ko muli at mapait na natawa "I guess I'm either"

"Z-Zenadia---"

"I may be cold sometimes but both of you are important to me" sabi ko at tumingin sakanila at tumayo "I'm sorry, please forgive me for this"

Walang pasabi sabi ay nagpalabas ako ng isang bulaklak na pampatulog kaya wala pang bente segundo ay nawalan na sila ng malay. Gamit ang air element at pinalutang ko sila papunta sa kwarto saka maingat na inihiga sa kama. I enchanted a spell which I learned from Hestia.

Bago pa ako lumabas ng kwarto ay nginitian ko sila ng malungkot at ramdam ko nalang ang pag tulo ng luha ko sa pisngi kaya agad ko iyong pinunasan.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon