Zen's POV
Simula last week ay wala akong halos pinag kakausap na kahit sino, kahit si Ethan. Pero nilinaw ko naman sakaniya na hindi ako galit at wala din akong kahit anong sama ng loob sakanila, pwera nalang doon sa isa.
Ngayon ay naandito ako sa dating kulungan ni Vil dahil dito ang pinaka ligtas at pinakatago na pwede kong puntahan. Nilinis ko na din ito at nag lagay ako ng ilang gamit para naman matuluyan ko ito kahit papaano.
Gamit ang mga fire lanterns ay lumiwanag ang paligid at nag tanim ako ng maraming bulaklak na nakadikit sa pader at ilang maliliit na halaman para naman presko pa din ang hangin dito.
Kung tatanongin ninyo kung paano tumubo at nakayanang mabuhay ang mga halaman kahit na tagong tago nitong kinalalagyan namin at walang kahit maliit na daplis ng sinag ng araw, ay dahil sa stone of light, hiningi ko ito nung isang araw kay Kade nang malaman kong nasakaniya pala ang huling piraso nito at mabuti nalang dahil hindi siya nag tanong ng nagtaong pa.
"Hindi pa din ako makapaniwala na ninakaw mo itong mga ito sa mama mo" natatawang sabi ni Vil habang ginagawan ng paraan kung paano namin makikita ang mga nakalagay sa libro dahil lahat ng pahina nito ay blangkong papel lamang.
"Hineram ko lang, hindi ko ninakaw. Ibabalik ko din naman ito kay mama kapag nalaman ko na kung ano bang nangyayari at malakas kutob ko na makakatulong saatin itong dalawa" seryoso kong sabi atmuling pinag aralan ang mapa ng Elvenkind.
"Kahit anong gawin ko sa librong ito, hindi ko malaman kung paano natin babasahin ang mga nakasulat dito. Sigurado ka bang may silbi ito?" tanong ni Vil, naka anyong tao kasi siya kaya nahahawakan niya ang libro
"Hindi iyan itatago at ililihim saakin ni mama kung wala iyang silbi. Isa pa, hindi ba nakakapagtaka na walang nakasulat na kahit ano dyan?" sabi ko
"Pero ginamitan ko na ito ng kapangyarihan Zen pero wala pa din makitana kahit ano" sabi niya at halatang pagod na "Ilang araw ng sumasakit ulo ko dito eh"
Hindi ko siya sinagot dahil kahit ako ay sumasakit naang ulo ko. Hindi ko pa nga alam kung sino yung babae na pinag sususpetsyahan tapos kailangan ko pang hanapin yung mga kumuha ng libro, sumunod naman agad yung tungkol sa kwintas at ngayon, itong blangkong libro na ito, pati na din itong mapa na sa pag kakaalam ko ay hindi na nag eexist.
"Kung hanapin kaya natin ang mga Elves---"
"What!? Are you out of your mind Zenadia!? Hahanapin natin ang lugar na matagal ng hindi nakikita at napuntahan?" hindi makapaniwalang sighal ni Vil
"Pero may mapa tayo Vil, ibig sabihin ay hindi pa din nabubura sa mundo ng Magia ang lugar na ito" seryoso kong sabi
Sandali siyang hindi nakaimik at mukhang nag iisip pero kalaunan din ay sumangayon siya, wala naman siyang magagawa dahil alam kong hindi niya ako iiwan mag isa.
"Hayst, kahit kailan talaga ay walang makaapigil sayo" walang choice na aniya "Sige payag na ako at sasamaham kita pero alam mong hindi tayo makakaalis ng basta basta. Sigurado akong hindi oras ang aabutin ng pag lalakbay natin dahil baka ilang araw o linggo pa bago natin matunton ang lugar na iyan"
"May gaganapin na festival sa isang araw. Hindi ko lang alam kung ilang araw o linggo iyon pero baka sapat na ang panahon na iyon" sabi ko at tiniklop ang mapa na hawak hawak ko
"Sasabihin mo ba ito sakanila? Sa prinsipe?" natigilan ako sandali dahil sa tanong niya saakin
"Hindi na niya kailangang malaman pa muna, pagkabalik natin ay saka ko nalang sasabihin sakanila" sabi ko
"Pero baka mag tampo ang isang yun sayo" saad nya "Hindi ko pa din inaasahan na may ganung side pala ang prinsipe hahaha" natatawang dagdag pa niya
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...
