A/N: SORRY KUNG MEDYO NATAGALAN ANG PAGU-UPDATE, SINUMPONG LANG NG KATAMARAN HEHE. HAVE A GOOD NIGHT!✧◝(⁰▿⁰)◜✧
Third Person POV
"Let's go" pareparehas na napatayo ang magkakaibigan nang sinabi iyon ni Ethan
Hindi muna nila sinama si Adrian dahil masyadong delikado, mahina pa ito at hindi halos makakalaban. Nang makalabas ang lima ay nakita nila lahat ng mga estudyante ng mga akademya, mga kawal ng bawat kaharian at iba't ibang mga mage na gustong lumaban.
Naandito sila ngayon sa harapan ng D.S. academy, sinira muna nila ang kalahati ng gubat para makapaglaban sila ng maayos. May malaking in invisible barrier ang nakalagay sa D.S. para hindi ito halos madamay sa digmaan na magaganap.
"Kinakabahan ako" sabi ni Diana habang hawak hawak ang malaking hammer niya
"Kahit ako ate, I don't know if we'll win---"
"We will, trust me" seryosong sabi ni Kade
Naputol ang pag uusapan ng magkakaibigan nang may lumapit sakanila "Royalties" magalamg na bati ng ilang myembro ng council
"Council.." bati din ng apat, habang si Ethan ay wala lang paki alam sa paligid
"Alam namin na kaibigan nyo ang makakalaban nyo ngayon kaya uunahan na namin kayo, kung hindi nyo sya kakalabanin, pareparehas tayong mamamatay dito" seryosong sabi ni Uno
Nagkatinginan naman ang apat bago sinulyapan si Ethan na nakatingin lang sa malayo na para bang may malalim na iniisip habang nag hihintay.
"We know that head councilor" sabi ni Kade
"Good, 'cause if you think thay you can't kill her.. we'll definitely lose in this war" sabi nito at umalis na kasama ang iba pang council
Napabuntong hininga nalang silang lahat habang hinihintay na sumapit ang dilim. Nakita nila si Miller sa di kalayuan at nag tanguan nalang sila bilang pagbati.
Habang naghahanda sina Kade ay napatingin nalang si Ethan sa sarili nyang kamay habang hawak hawak ang kamyang espada. Sobrang lalim ng iniisip nya pero si Zenadia lang ang nasa utak nya, at kung paano nya ito kakalabanin.
Bigla nalang niyang naalala yung isang beses na napagusapan nila ni Zenadia noon nang dinala nya ito sa bahay niya sa Fire Kingdom.
- flashback -
"Ethan?" tawag ni Zenadia dito habang nakayakap sa likuran nya ang prinsipe
"Yes my lovely babe?" malambing na sagot ni Ethan
"Just a question, when the time comes that you need to fight with me, what will you do?" tanong ni Zenadia habang malayong nakatingin sa ganda ng kapaligiran
Kunot noo na tumingin sakaniya si Ethan pero kalaunan ay may hinigpitan nya pa ang yakap niya sa dalaga at siniksik ang mukha sa leeg nito.
"I don't know, I can't stand watching you in pain, what more if I'm the reason of it? I'll do anything and everything for you aside from hurting you, babe" sabi nito
Napangiti naman si Zenadia dahil sa sinagot nito pero iba ang gusto nyang marinig mula dito kaya kinalas nya ang pagkakayakap ng prinsipe sakaniya at hinarap ito kaya ngayon ay nasa pagitan si Zen ng dalawang braso ni Ethan.
"But what if you really need to? What are you going to do?" nakangiti man ay mababakas ang pagkaseryoso sa boses ng dalaga
Napakunot ang noo ni Ethan dito "Why are you asking me that? Why do I feel like---"
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...