Zen's POVIlang minuto lang kami nagpahinga dahil hindi din kami pwedeng mag tagal pa dito ng sobra. May mga bagong paparating na estatwa at pag masyado pa kaming nanatili dito ay mapapalaban ulit kami, kailangan ko ng makaharap si Gretphine.
"Miller," sambit ko
Naandito kami ngayon sa may harapan ng gate at kailangan ko ding kunin ang kaluluwa nilang dalawa, hindi ko makakayanan kung mapapahamak sila habang nakikipaglaban ako sa Gratia.
Tumingin sakin si Miller at sandali pa ay ngumiti ito at tumango na para bang naiintindihan na nya ang gusto kong iparating. Humarap siya sa akin at hinawakan ang tuktok ng noo ko. Sandali syang nanahimik bago muling tumingin ng diretsyo sa mata ko.
This man, he entered my freaking mind.
"I trust your decisions Zen, always remember that. Wag na wag kang mag dadalawang isip sa tingin mo kung anong tama pero wag mo din sanang alisin sa isip mo na naandito lang kaming lahat para sayo. Use our powers, our strength, everything we have that might help you to win against Gretphine" aniya at kita ko ang pamumuo ng luha sa mata nya "Hihintayin ka namin, kahit gaano pa katagal" anito
Natigilan ako sandali dahil sa tinuran nya. Alam na niya na ang nasa isip ko at paniguradong alam na niya ang mga plano ko. Ngumiti ako ng tipid at niyakap si Miller.
"Thank you Miller, thank you for everything" mahinang sabi ko
Sya ang kauna unahan na nakatiis sa ugali ko. Kahit si Ara ang una kong tinuring na kaibigan, hindi pa din mababago nun na bago ako pumasok sa akademya, nakakasama ko na si Miller.
And I know that he tried his best to win my trust back then. Sa tuwing mag isa ako at tulala dahil sa pagka wala noon ni mama, lagi nya akong binubulabog kinukulit, minsan nga ay iniinis pa.
Noon ay hindi ko pa maintindihan at inis na inis ako sa pinag gagawa nya, pero ngayon alam ko na. Handa syang magmukhang katawa tawa at katanga tanga sa harapan ko para lang mawaglit sa isip ko ag tungkol kay mama at hindi ako malungkot. Miller is indeed a good friend.
"Ako dapat mag pasalamat Zen, salamat dahil tinanggap mo akong kaibigan mo. Ang sarap kayang ipagmayabang na kaibigan ako ng babeng my lilang mata, ang cool nun" sabi nya kaya natawa kami parehas bago kumalas sa yakap "No need to kill me Zen, kusang papasok ang kaluluwa ko sa kwintas kung nanaisin ko" anito
Tsk, bakit ba hindi ko naisip yun?
Tumango ano at pinalabas ang scythe ko kung nasaan nakalagay ang kwintas. Hinawakan iyon ni Miller at bago sya mag laho may binulong siya sa hangin at gusto kong maiyak dahil doon.
Tumango ako sa sinabi nya at sigurado akong nakita nya iyon bago sya nawala. Segundo na nang maglaho si Miller pero tulala pa din ako. Namalayan ko nalang na niyakap ako ni Ethan at ang pamamasa ng pisngi ko. Agad kong pinunasan luha ko at humiwalay sa yakap.
"You okay?" nagaalalang tanong nya
Tumango nama ako "I'm okay"
Sandali syang natahimik at parang may gustong sabihin pero nag aalinlangan. Napabuntong hininga sya at napaiwas ng tingin kaya hinawaka ko kabila nyang pisngi at hinarap saakin ang mukha nya.
"Spill it" utos ko
"Can I fight with you?" mahinang tanong nya kaya natigilan ako "I get it now why you need to kill our friends, so their souls will be stored inside the necklace. You will use their powers and strengths. Wala mna sila dito, para na din silang nakipaglaban kasama ka. And I know you only did that 'cause they're safe inside the necklace, Gretphine can't harm them" dagdag nya pa kaya ako naman ang napaiwas ng tingin
![](https://img.wattpad.com/cover/282560413-288-k642445.jpg)
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...