A/N: SORRY IN ADVANCE HEHE. LOVE YOU!
Third Person POV
Salit salitan ang pag atake nina Ethan at Zenadia kay Gretphine ngunit hindi nila ito mapuruhan ng sobra. Oo nga't nasusugatan nila ito pero tanging mabababaw na sugat at minsan pa ay daplis lang.
Masyadong malakas si Gretphine pero parehas nina Ethan at Zen na hindi pa iyon ang tunay na lakas nito, halos nangangalahati palang iyon at kapag tinodo na ni Gretphine ang buong lakas nito, ay baka mas lalo silang mahirapan na talunin ang dyosa.
Hindi nila alam kung ilang oras na ba silang nakikipaglaban dito sa himpapawid, pero kahit isa ay walang sumusuko sakanila. Hindi man sanay na gumamit ng pakpak sina Zen at Ethan ay kailangan nila. Hindi pwedeng gamitin ni Zen ang Air element sakanilang dalawa habang nakikipaglaban, mabilis siyang mapapagod.
"Give up already, both of you can never ever defeat the goddess of Chaos" nakangising sabi ni Gretphine habang walang kahirap hirap na sinasalang lahat ng atake nina Zen
"Then I'll prove you wrong" mariin na sabi ni Zen kasabay ng pagpapalabas ng daan daang maliliit na fire ball boomerangs saka inatake kay Gretphine
Iiwasan na sana iyon ni Gretphine nang gumamit ng Chrone si Ethan "Stay still, old hag" mariin pero kalmadong utos ni Ethan
Hindi makagalaw si Gretphine kaya natamaan siya ng ilang atake ni Zen pero segundo lang ang tinagal ng Chrone ni Ethan dahil agad iyong nalabanan ni Gretphine.
"You can't use your Chrone against me that long, little prince" tila natutuwang sabi ni Gretphine muling itinaas ang kaniyang staff
Napadistansya ng kaunti ang dalawa kay Gretphine nang umilaw iyon pero nagulat sila nang sandali nang may nabuong magic circles sa paligid nilang dalawa. But it was too late for them to move. Electricity immediately flow to their bodies which made them whimpered in pain.
Kaagad na tinapat ni Zenadia ang kaniyang kaliwang palad kay Ethan at marahas na sinarado iyon kasabay ng pagkasira ng magic circles na nakapalibot kay Ethan. Mas importante na wag masaktan si Ethan kesa sakaniya.
Pagkatapos ay agad na winasiwas ni Zenadia ang kaniyang scythe, dahilan para masira ang lahat ng nakapalibot sakaniyang magic circles. Binalingan nya muna ng tingin si Ethan na ngayon ay hinihingal at nadugo ang kanang bahagi ng noo dahil nagkaroon ito ng sugat kanina at mas lalo pa iyong lumaki nang kinuryente sila.
Nanliliksik na mata na tumingin si Zenadia kay Gretphine "How dare you hurt my prince" madiin na sabi ni Zen kasabay ng pag ilaw nang mata niya
Tila kidlat sa bilis na nakalapit si Zenadia kay Gretphine saka malakas itong sinipa sa sikmura kaya napatilapon ito sa di kalayuan. Agad na nag teleport si Zenadia sa itaas nito at bago pa makabawi si Gretphine ay pinalabas na ni Zen ang hammer ni Diana at buong pwersa hinapas iyon kay Gretphine kaya ngayon ay bumulusok ito pababasa lupa.
Hindi iyon muna pinansin ni Zen at nag teleport papalapit kay Ethan. Salamat nalang dahil sa napasa nyang kapangyarihan ng dyosa Trina dito ay mabilis na tumigil ang pag dudugo ng mga sugat nito pero hindi pa din iyon nag hihilom ng tuluyan.
"Can you still fight?" seryosong tanong ni Zen kay Ethan
"Damn, stop asking that, stupid. I feel like you're underestimating me" irita na sabi ni Ethan "I still can fight with you, there's no fucking way I'll let you finish with war alone" seryosong sabi ni Ethan
Napabuntong hininga nalang si Zen pero agad niyang naitulak si Ethan nang may mga kulay pulang boomerang ang bumulusok sa gitna nila. Mabuti nalang at naiwasan nila agad iyon kundi ay nasugatan pa sila lalo.
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasiaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...
