Zenadia's POV
I know from the start, once they remember about the prophecy, something will definitely change. But I didn't expect this..
"Let's go" malamig na sabi ni Ethan at naunang mag lakad
Simula kahapon ay hindi niya ako kinakausap, kahit si Miller. Nginitian ako ng tipid ni Kade pero hindi din sya naimik. Sina Diana, Danica at Draven ay minsa'y kinakausap ako pero hindi tatagal sa iisang minuto.
Walang gana akong nag lakad sa likuran habang sinusundan lang sila. Alam kong galit sila saakin pagkatapos kong aminin ang lahat lahat kahapon, lalo na si Ethan. Kahit isang sulyap ay hindi nya ginagawa saakin. Nasasaktan ako, sobra pero ano bang karapatan kong mag reklamo? kasalanan ko ito.
Kung wala lang kaming misyon ngayon ay paniguradong wala akong gana buong linggo pero hindi pwede dahil kailangan naming iligtas sina Ara, Adrian, Chelsea at Emman, baka kung ano na ang nangyayari sakanila ngayon.
Isang oras,
Dalawang oras,
Tatlong oras,
Tatlong oras at kalahati,
Apat na oras na kaming naglalakad pero walang nag rereklamo at sigurado naman na walang nakakaramdam ngayon ng pagod. Sobrang bigat ng atmospira namin sa paligid at halatang halata ang pagkailang nila saakin.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang panyo ko at pinunasan ang pawis ko. Habang nag lalakad ako sa likuran nila ay kanina pa ako inom ng inom ng tubig. Sa di maipaliwanag na kadahilanan ay kanina pa ako pinag papawisan ng malamig, kanina pa din tumitibok ng sobrang lakas ng puso ko.
Hindi ko alam pero simula ng may naramdaman akong kakaibang aura ay nabalot ako ng takot. Walang ibang nangyari bukod sa pag amin ko sakanila pero bakit pakiramdam ko ay may nangyayaring masama?
Muli akong napabuntong hininga ng may tumulo nanamang malamig na pawis saakin kaya agad ko iyong pinunasan. Pero napatigil ako ng tumama ang ulo ko sa dibdib ng kung sino, pagkatingala ko ay si Kade lang pala.
"Here" simpleng sabi nya at inabutan ako ng punong puno na tubig na lalagyan.
"Thanks" tipid na ngiti na sabi ko
"That's from... Ethan" yun lang ang sinabi nya at agad na din nag lakad
Napatingin ako kay Ethan na patuloy sa pag lalakad at hindi ako nililingon. Napangiti muli ako ng kaunti at sumunod nalang sakanila. Palapit kami ng palapit sa Kibaja tribe ay palakas ng palakas at pabilis ng pabilos ang kabog ng puso ko, na para bang tumakbo ako sa marathon.
What the fuck is happening to me?
Hindi ko nalang muna iyon pinansin kahit na parang naliligo na ako sa sarili kong pawis. Ilang minuto pa kaming nag lakad ay natanaw na namin ang bungad ng tribo ng Kibaja.
Ibang iba ito kumpara sa Ivajaki dahil madali namang matutukoy na mas mayaman at mas magarang tingnan ang tribo nila kumpara sa mga taga Ivayaki, hindi na nakakapag taka dahil nabanggit na nila saakin na ang Kibaja ang nangunguna sa limang pinaka makapangyarihan na tribo dito sa Zabala.
Nag tago kami sa mga malalaking puno na di kalayuan sa tribo nila. Kitang kita mula dito ang mga bahay bahay na magagara pero may ilan pa din na gawa sa kahoy na may bubong na yari sa dayami ngunit may mga kalakihan pa din ang mga bahay na iyon.
Habang ginagala ko paningin ko sa paligid ay bilang napatigil ang paningin ko sa pinaka malaking gusali. Masyado itong maliit para ikumpara sa palasyo pero masyado din nama itong malaki para ikumpara sa isang mansyon.
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasiPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...