Vil's POV
"Get inside Vil" utos ni Zenadia
Gagawin ko na sana ang inutos niya ng may naalala ako kanina. Noong nawala sina Zen ng isang linggo ay nanatili akong nagbabantay dito sa academy at sa isang buong linggo na iyon ay may napansin akong kakaiba.
"Vil?" takang tawag sakin ni Zenadia "What is it?" biglang seryosong aniya
She really knows when something's wrong.
"Nothing, I'm just wondering what kind of plan would you rather to choose. We both know that others can't know about your plan, in case you have one, except from me but are you sure you can handle all of this?" tanong ko na kintigil niya bago nawala lahat ng emosyon sa mata niya
Ang mga matang iyan ay katulad nung una ko siyang nakita, malamig, walang emosyon, mapanganib at sobrang daming tinatagong misteryo. Kahit na minsan ay nababasa ko ang nasa isip niya ay wala pa sa kalahati nun ang alam ko kung paano tumakbo utak niya.
"Kung hindi ko kaya, may mag babago ba?" ako naman ang natigilan dahil sa tanong niya bago siya umiwas ng tingin "Alam mong sa lahat ng mangyayari, kailangan kong kayanin kahit pagod na ako" dagdag pa niya
Napabuntong hininga nalang ako dahil may punto siya. Kung susuko lang si Zen ay mas lalong magiging konplikado ang mga bagay bagay kaya wala siyang ibang pamimilian kundi ang magpakatatag at lumaban kahit na pagod na siya.
"Kung hindi ka muna sasama, maiwan na kita" pamamaalam niya at umalis na
Nang huminahina ang aura niya ay alam kong malayo na siya dito kaya dali dali na akong nag teleport papunta sa pinaka sulok na bahagi ng open field dahil kailangan ko siyang makausap. At hindi nga ako nagkakamali, naandoon siya habang pinag lalaruan ang mga nakalutang na mga memory sphere sa kamay niya.
"Nice meeting you Vil, the last Viperidae" nakangising aniya at humarap saakin
Agad akong gumawa ng invisible barrier dahil baka bigla siyang umatake at kahit na kayang kaya ko naman iyong iwasan ay mas mabuti pa din yung sigurado. Tama nga ako, malakas siya at magaling manlinlang.
"Kung ako sayo, wag mo ng ituloy ang plano mo" seryosong sabi ko habang nakatingin sa mata niya
"Oh? Bakit naman? Hindi pa nga ako nag sisimula tapos pinapatigil mo na ako?" natatawang aniya pero nanatili akong seryoso at hindi umimik. Huminga siya ng malalim at tumayo "Hindi mo ako kayang pigilan kahit na malakas ka pa, alam mo kung sino ang kakampi ko at walang wala ka sa lakas niya" nakangising aniya
"Kaya mong makipaglaban pero kaya din kitang patumbahin. Hindi ko lang magawa ngayon dahil may kailangan pa akong ibang gawin" sabi ko
Pinalapit ko agad lahat ng mga makakamandag na ahas sa paligid at lumapit ang lahat ng iyon saakin. Nakitang kong napaseryoso ang mukha nya dahil sa ginawa ko.
"Hinding hindi mo siya matatalo" seryosong aniya
"Alam ko" agad na sagot ko "Kaso sino ba nag sabi na ako ang lalaban sakaniya?" tanong ko na kinakunot ng noo niya kaua nakangisi ako "You know whom I'm referring to"
"Sino? Si Zenadia ba tinutukoy mo na lalaban sakanya?" tanong niya at natawa na para bang demonyo. Ibang iba ang pinapakita niya sa harapan ng iba pero ngayon, unti unti ng lumalabas totoong kulay niya "That's a good joke. Sa tingin mo ba talaga matatalo ni Zenadia siya? Pwes, nahihibang ka na"
"Don't underestimate Zenadia, you may saw what she can do but you don't know what will happen if you push her to her limits" makahulugang sabi ko
Alam kong nangangalahati palang sa lakas ni Zen ang ginagamit niya noong nakipag laban siya noong huling digmaan dahil hindi pa niya iyon halos bihasa pero ngayon? I don't think anyone will be pleased to fight with her seriously. Perilous, compelling and scary aren't enough to describe Zenadia, she's beyond on that.
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...
