20 : Elves

1.7K 79 2
                                        

Zenadia's POV


Maaga kaming umalis para hindi na kami abutin pa ng isa pang araw sa pag lalakbay dahil base sa mapa ay malapit lapit na kaming lahat. Nangunguna ako sa paglalakad habang si Vil nama ay nasa loob ko dahil tinatamad na daw siyang mag lakad pa at may mga kasama naman daw ako.

"Are we close enough?" tanong ni Malvie at halatang pagod na sa pag lalakad

Nag simula kaming mag lakad ay madilim dilim pa pero tirik na ang araw ay nag lalakad pa din kaming lahat. Paubos na din ang pagkain namin, mabuti nalang dahil medyo sagana sa mga prutas ang mga puno dito sa kagubatan ay may mga nadadaanan din kaming malinis na ilog para pagkuhaan ng pangangailangan namin sa tubig.

Walang sumagot kay Malvie dahil lahat sila ay pagod na din, kahit naman ako pero hindi ako pwedeng mag reklamo kaya derederetsyo lang ako sa pag lalakad habang kapit kapit ko ang mapa na nag sisilbing gabay namin. Yung sakanila kasi ay malabo kaya hindi halos kita, edi itong saakin nalang ang ginagamit namin.

Kalahating oras pa kami naglakad bago namin napag desisyonan na magpahinga muna malapit sa isang maliit na lawa. Pagod na pagod na nakaupo silang lahat habang nakasandal sa puno kaya di ko na muna sila pinansin.

Nang makapagpahinga ako sandali at nakainom ng tubig ay tumayo na din ako kaagad at pinagtuunan muna ng pansin ang mapa na hawak hawak ko. Mahirap alamin kung saan ba talaga kami pupunta dahil bukod sa di ko alam mga lugar dito sa Magia ay parang sinadya ata na pahirapan kaming hanapin ang kuta nila.

"We're not lost, aren't we?" biglang sulpot ni Miko sa gilid ko

Tinapunan ko lang sya ng tingin bago ko muling binalik atensyon ko sa mapa "No, we're not" sabi ko saka tumingin sa puno sa di kalayuan "Actually, we're here" sabi ko at nagsimulang mag lakad

Ramdam ko naman na nakasunod sila saakin kaya di ko na sila nilingon pa at derederetsyo lang sa pag lalakad. Kusang lumabas sa katawan ko si Vil ng walang pasabi pero kahit iyon ay hindi ko pinag tuunan ng pansin.

Nang makarating ako dun sa puno na pinakakakiba sa lahat ay dinikit ko ang isang palad ko dito at pumikit. Ilang sandali lang ay tama nga ang hinala ko, naandito na kami kaya agad akong umtras ng ilang hakbang at tumingala. Nakita ko ang tatlong pares ng mata doon na nagtatago kaya napangiti ako tipid.

"Are we welcome.. eleves?" tanong ko

Sabay sabay silang tumalon pababa at nadinig ko pa ang pagsinghap nina Zaena at Malvie sa gulat. Isang babae at dalawang lalaki ang kaharap namin ngayong elves. Yung babae ay may hawak hawak na gintong pana, yung isang lalaki naman ay isang espada habang yung isa pang lalaki ay may mahika na lumalabas sa kamay niya.

"Sila na ata ang matagal ng hinihintay ng pinuno" sabi nung babae

"Kung ganon ay sumunod kayong pito saamin" sabi nama nung lalaki at binalik ang espada niya mula sa lalagyan nito

"Teka, hindi ako kasama?" parang nag tatampong tanong ni Vil kaya napaharap ako

"Go back to the academy, bantayan mo silang lahat, especially Ethan" sabi ko

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi niya bago sumagot "Sure thing... but," pang bibitin niya "What will I tell them? For sure, mag tatanong sila kung saan ka pumunta, lalo na ang crown prince"

"Bahala ka na mag isip ng dahilan" sabi ko bago siya talikuran

"Maaari na ba tayong umalis?" magalang na tanong nung lalaking may mahika "Delikado kung may ibang makakakita pa saamin" aniya

Tumango nalang kaming pito at sinundan nalang sila. Pumunta kami sa likuran ng malaking puno at nakita ko ang pag buka ng mga ugat sa ilalim. Bigla itong nagkaroon ng parang underground tunnel pero kita namin ang kaunting liwanag sa ibaba.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon