Third Person POV
"Why do we have to do this!? For pete's sake, it's only 4:30 in the morning!" inis na sabi ni Malvie
"Because we have to, wag kang paarte arte dyan" sermon naman ng pinakamatanda sa grupo, si Aero
"Malayo pa ba tayo?" pagod na tanong naman ni Zaena sakanila habang hinihingal ng napahawak sa puno
"Hasyt puro reklamo! Akala mo naman napakalaki ng inambag niya" pagpaparinig ni Jamuel kay Zaena kaya nag simula nanaman silang mag bangayan
"Miko, pwede bang mag pahinga muna tayo? Kahit ilang minuto lang oh" pakiusap ni Christine sa nauunang mag lakad na si Miko na para bang walang nararamdaman na kapaguran
"No" seryosong usal nito na kinasimangot ng lima
Wala silang nagawa kasi sakanilang anim ay si Miko ang pinaka malakas at pinaka makapangyarihan dahil sa dalawa ang kapangyarihan nito. Habang nag lalakad sila ay naramdaman muli ni Miko ang presensya na kahapon pa niya kinababahala.
Kilalang kilala niya iyon dahil iisang tao lang naman ang alam niyang may ganung kalakas na presensya. Kung tama man siya na ang babaeng iyon ang nagmamayari ng ganun kalakas na presensya ay nasisiguro niya na kabilang din ito sakanila.
"Who really are you, girl with purple eyes?"
Zenadia's POV
Maaga akong nagising para maaga din akong makapagpatuloy sa paglalakbay ko. Pagkatapos kong kumain at gawin ang ilang mga gawain ay umalis na ako doon at sinimulan muking mag lakad habang hawak hawak ko ang mapa.
"This is really weird" sabi ni Vil habang kasabay ko siyang nag lalakad "No wild creatures, no wild animals, nothing"
"That only means one thing" sabi ko at tumingin sa ilong sa di kalayuan at nakita ko ang ilang mga gamit doon tulad ng pinagiwanan na bonfire "May nauna na saatin" sabi ko
"Ibig mo bang sabihin na may nakahanap din ng isa pang mapa?" taka niyang tanong
"I don't know but I think so" simpleng sagot ko
Halos magkakalahating araw na kaming nag lalalad at nakalampas na din kami sa isang bundok. Gusto kong mag reklamo dahil medyo nasakit na ang binti at paa ko pero hindi na ako pwedeng tumigil ngayon dahil malapit na akong mangalahati sa paglalakbay ko papunta sa Elvenkind
Hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis ang paglalakbay ko, wala kasi akong nakakasalamuha na mga mababangis na hayop at mga nilalang na sigurado akong pinatay nung nauna saakin dito sa mga dinadaanan ko.
"Can we rest for a little while? I'm tired" tanong ni Vil
"No" sagot ko
Hindi ako naniniwala na pagod na siya dahil ako nga ay kaya ko pang maglakad, paano pa kaya ang tulad niyang isang Viperidae. Kahit na naka anyong tao siya ngayon ay alam kong hindi nun nababawasan ang lakas niya.
Lumipas nanaman ang isa pang araw at lampas kalahati na ako sa dinadaanan ko. Hindi ko alam na ganito pala kapagod mag lakad ng mag lakad. Mas maliit ang mundo ng Gineva kumpara dito sa Magia kaya ilang oras lang ang inabot namin sa paglalakabay papunta sa iba't ibang imperyo.
Habang nag lalakad kami ay napatigil ako dahil may naramdaman akong pag uga ng lupa. Nang maramdaman din iyon ni Vil ay agad siyang nag palit sa tunay niyang anyo. Mabilis naming hinanap ang pinanggagalingan nuon at ilang sandali lang ay napakunot noo ko sa nasaksihan ko.
"Eww!! Kadiri sila!"
"Malvie! Wag kang puro pandidiri dyan!"
"Jamuel! Hoy! Tulungan mo ako dito, bwisit ka talagang lalaki ka!"
BINABASA MO ANG
Written In The Prophecy (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 2 A year and months after, Zenadia came back to Magia and a great hidden chaos welcomed her with wide arms open, without her noticing it. The Prophecy written in the blank pages of the book had already spoken and a new...
