18 : Alone

1.7K 77 31
                                        

Zenadia's POV

"You cooked all of these!?" gulat kong tanong

Naandito kami sa likuran ng bahay niya at may table dito at puno ng ibat ibang pagkain. Mag kakalahating oras ata kami nag istay sa balcony bago kami bumaba dito.

"Our friends cooked the foods but I'm the one who arranged everything. I want to make an effort for our date" sabi niya at pinaghila ako ng upuan at hinalikan pa ako sa ulo bago umupo

"Well, this is a lot of effort" sabi ko at tumingin sa paligid "Thank you Ethan" nakangiting dagdag ko pa

"Anything for you" sabi niya at kinindatan pa ako

Kumain kami at syempre ay ako ang nag subo sakaniya, sadyang nakasanayan na ata niya talaga na ako ang magpapakain sakaniya kundi hindi siya kakain. Masyado na syang tinamad.

"Babe?"

"Hmm?"

"I don't want to ruin this moment but, are you still meeting that Zak?" napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya

Nilunok ko muna ngumunguya ko bago ko siya sagutin "Meeting him? I'm not meeting him intentionally Ethan. Nagkataon lang talaga na nagkakasalubong kami but we're not close, we're not even friends" pag lilinaw ko pero mukhang pinag seselosan niya pa din ata si Zak kaya napabuntong hininga ako at hinawakan yung kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa at marahan iyong pinisil "There's no reason for us to meet, the last time I saw him was the time I saw you with Ella during your session" sabi ko 

Similay naman ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko "Good, ‘cause I won't hesitate to burn that guy to ashes if I saw him flirting with you. You're only mine, Zenadia Sameera Cai, and I don't ever share what's mine" he said possessively

Natawa naman ako ng kaunti dahil sa kaseryosohan niya nang may naalala ako bigla "But how about me?" tanong ko na kinakunot ng kaunti ng noo niya

"What do you mean, how about you?"

"You're also mine right?" seryosong tanong ko at nakita ko namang sandali syang natigilan pero kalaunan ay ngumiti din saakin "Don't just smile, answer me"

"Babe, I'm yours and only yours--- wait are you jealous of someone?" tanong niya at sumilay ang nakakaloko na ngiti

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya haang seryoso pa din nakatingin sakaniya. If I want to get this jealousy out of me, I must talk to him seriously.

"Ethan, are you close to Ella?" tanong ko

"Am I?" patanong na sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin "She's just a friend, stupid. No need to be jealous of her"

"Literal na closeness ang tinutukoy ko---"

Hindi ko naituloy sasabihin ko ng may biglang lumapit saaming isang gnome habang may hawak hawak na sobre. Inabot niya iyon kay Ethan at umalis na din kaagad pagkatapos mag bow.

"What's this?" dinig kong mahina niyang tanong bago buksan yung sobre

Habang binabasa niya yung nakasulat doon ay nakatingin lang ako sakaniya at pinag mamasdan siya. Uminom muna ako bago ako nag tanong dahil nakita ko ang paglantay ng pag aalala sa mukha nya.

"May problema ba?" tanong ko

Binaba niya yung sulat baho tumingin saakin "Babe.." parang nag aalinlangan pa siya na sabihin saakin

"What is it? Anong nakasulat sa letter?"

"Uhmm.. I-I.." he let out a heavy sigh before glancing to the letter then to me "I need to go"

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon