51 : War (Part 2)

1.5K 82 57
                                        


Third Person POV


"You can't beat me, Zenadia, you never can" nakangising dabi ni Gretphine at nag lakad ng ilang hakbang

"We'll see, Gretphine.. we'll see" nakangising sabi ni Zenadia at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang scythe

Naunang sumugod si Zenadia kay Gretphine pero masyadong mabilis ito at agad na nakaiwas. Sa bawat atake ni Zenadia ay panay lang ang pag iwas ni Gretphine habang nakangisi na para bang iniinsulto ang bawat galaw ni Zen.

"Fight me back, you old hag" irita na sabi ni Zenadia at lumutang sa ere saka nag pakawala ng libo libong kidlat mula sa itaas

Napuno ng usok ang kinalulugaran ni Gretphine pero hindi pa nakuntento doon si Zenadia at gamit ang kapangyarihan ni Ara ay sunod sunod siyang nag paulan siya ng mga pana.

Pagkatapos ay kaagad niyang pinalabas ang fan blade ni Danica saka einsiwas iyon sa pwesto ni Gretphine. Pero hindi pa tapos sa pag atake si Zenadia ay bigla nalang itong sumulpot sa harapan nya at inatake gamit ang kaniyang staff pero agad na nasangga iyon ni Zenadia.

"What a shame, hindi manlang ako nagasgasan" mapang asar na sabi ni Gretphine

"I'm not even staring yet" nakangising sabi ni Zenadia at sa isang iglang ay may lumabas na kulay yellow na pakpak mula sa likuran niya na galing kay Yna. Kinuha nya din ang kaluluwa nito noong pumunta sya sa Gineva

Mabilis na lumipad pataas si Zenadia. Pinag sama nya ang fire at earth element sa scythe niya saka iyon winasiwas. May mga blades na lumabas sa scythe nya at bumulusok sa direksyon ni Gretphine pero kumupas lang ito sa hangin at agad iyong naglaho na parang bula.

Hindi na nagulat si Zenadia sa ginawa nito dahil alam nyang wala pa iyon sa kalahati ng kapangyarihan ni Gretphine. Hindi naman nito makokontrol ang ilang dyos at dyosa mula sa 12 Thrones kung hindi ito malakas.

Mabilis na umatake si Zenadia dito at sa tulong ng bilis ni Draven ay sunod sunod nya itong inatake. Sa bawat pag tatama ng scythe niya at staff ni Gretphine ay nakakagawa iyon ng malakas at nakakakilabot na ingay.

Nang muling umatake si Zenadia ay sakto namang umatake na din si Gretphine kaya nakagawa iyon ng malakas na impact. Napalipad papalayo si Zenadia nang tinaas ni Gretphine ang kaniyang staff at lumalabas mula sa paligid ni Zenadia ang halos daan daang mga pulang kapangyarihan na hugis bola.

"Vanish" sa isang salita na iyon ay kaagad na nag laho lahat ng mga bola bago pa ito sumabog

Napatingin si Gretphine sa nag salita na si prince Ethan kaya kinuha ni Zenadia ang pag kakataon na iyon para atakihin ito. Mabilis niya itong inatake gamit ang scythe kaya napatilapon ito sa pader pero hindi pa sapat iyon kay Zenadia kaya nagpakawala sya ng madaming air blades at pinatama iyon sa direksyon ni Gretphine.

Nang akmang aatake na sana muli si Zenadia ay may isang magic circle ang nabuo mula sa itaas at ibaba niya at bago pa sya makagalaw ay may mga kuryente na lumabas doon parehas, dahilan para matamaan siya.

Ngunit hindi iyon ininda ni Zenadia at mabilis na inangat ang isa nyang kamay at sinarado ang kaniyang palad, dahilan para masira na para bang isang babasaging salamin ang dalawang magic circle.

Ramdam naman agad ni Zenadia na nag hihilom ang mga sugat nya kaya agad siyang gumawa ng malaking ipo-ipo na may halong apoy at pinatama iyin kay Gretphine pero sa dalawang pag wasiwas lang ni Gretphine sa kaniyang staff ay nahati ng pa-ekis ang ipo ipo sa gitna at tumama iyon sa kung saang bahagi ng palasyo.

"Mahina, napaka hina" mapang asar na sabi ni Gretphine

Naiirita si Zenadia dahil sa sobrang lakas nito pero agad syang kumalma dahil kung magagalit siya at papairalin ang kaniyang emosyon ay paniguradong panigurado na ang pagka talo nya.

Written In The Prophecy (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon