PANIMULA

7.6K 167 16
                                    

             

                REMINDER
      This is just a fabrication
    Of the author's imagination..

                       @lealezep
     

                   PATRICIA


"Good morning everyone!"

Napaangat ang tingin ko sa harapan dahil sa boses na iyon. Bumungad agad sa akin ang isang lalakeng nagpapatibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maging abnormal ang puso ko sa tuwing nasa harap ko siya.

Kung tutuusin wala naman talaga akong pakialam sa paligid ko. Pero hindi ko inakalang magbabago ang pananaw ko, dahil lang sa lalakeng ito.

Napatingin ulit ako sa kanya nang magsalita siya.

"We will be having a quiz today. Ang bagsak ay bagsak." seryosong sabi niya samin. Agad namang nag-ingay at umangal ang iba.

"Hala sir naman"

"Gosh hindi ako prepared"

Bulungan ng mga bubuyog kong kaklase. Nagtaas naman ng kamay ang isa sa mga kaklase ko,sinenyasan naman agad siya ni sir na magsalita.


"Sir naman, hindi kami nakapagprepare! " si JV. Ang lakas talaga ng loob ng kaklase kong ito. Sa lahat yata ay siya ang palagi kong napapansing palaging kinukuwestiyon ang lahat ng guro. Napatingin kaming lahat sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Hindi ko na problema 'yun. Ano bang sinabi ko sa inyo kahapon? Hindi ba't sinabi ko'ng magprepare kayo dahil mag papaquiz ako?" seryoso ngunit walang emosyo'ng saad ni sir sa kanya. Parang napahiya naman at yumuko na lamang ito. Kahit kailan ay wala talagang makakatalo sa kan'ya lalo na kapag siya na ang nagsalita, talagang mapapasunod ka.

Ganyan siya palagi, kapag sinabi niyang quiz ay magpa-paquiz talaga siya. At hindi mo siya mapipigilan o mauuto sa mga sinasabi mo. Hindi katulad ng ibang Professors at Lecturers namin na pwede mo pang mapakiusapan. Yung iba din naming guro ay madaling mauto. Napabuntong hininga ako. Naiiba siya sa kanila.

Gwapo si Professor Devon oo, pero may angking kasungitan. Kaya nga minsan naiinis ako sa kanya, tapos tatanongin ang sarili kung bakit nagkagusto ako sa kanya.

Hindi naman ako nag-iisa, dahil marami rin namang nagkakagusto Kay Prof. pero ang hindi ko maintindihan, bakit kasali ako? Bakit kailangang magkagusto rin ako sa kan'ya? Eh wala niisa sa kan'ya ang mga magugustuhan ko sa isang lalake.

He's not my ideal type.

"Number one!"

Bigla naman akong natauhan. Mabilis na nagsipagkilusan ang mga kaklase ko, dahil sa sigaw ni Sir at isa na ako doon.

------------

Matagal bago natapos ang quiz pero worth it naman para saken, dahil naka perfect score ako. Tuloy ay nakatanggap ako ng ilang papuri galing sa mga kaklase ko. Awkward ko lamang silang nginitian isa-isa dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Pero hindi maiwasang manlumo, kase hinintay kong purihin din ako ni Prof. Kaso hindi nangyari. Imbes na ako ay si Cheryl ang pinuri niya na naka second highest score.

Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na nagligpit ng gamit upang pumunta sa cafeteria. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kanya at nagpauna na akong lumabas.

Nakakainis lang kase nag-expect pa ako na pupurihin niya ako, pero hindi pala. Niinis din ako sa sarili ko, kase bakit naman kase ako nag-expect. Ano naman kung hindi niya ako purihin? Hindi naman big deal iyon. Hindi dapat ginagawang big deal iyon. Tsk! Ano bang nangyayari sa'kin?

Pero aaminin kong nagseselos ako kay Cheryl. Palagi nalang kaseng siya ang pinapansin ni Prof., tuloy ay tinutukso  sila ng mga kaklase ko. Pero wala kang katapatang magselos Patricia. Tandaan mo 'yan!  Bumuga ulit ako ng hangin bago umalis at inis na naglakad.

MABILIS na lumipas ang oras at madaling natapos ang panghuli naming subject. Hindi na rin ako nag-abalang makipagdaldalan pa sa iba kong kaklase dahil wala naman akong ka-close sa kanila. Dere-deretso lang akong lumabas at pumara ng sasakyan upang makauwi.

Nang makauwi ako sa apartment ko ay nagbihis agad ako at napagdesisyonang mag advance studying. Ako kase yung tipong natatakot at nahihiya kapag nakakuha ng maliit na score. Ewan ko ba't ganon ako tsk!

Hindi ko namalayan ang oras,at nakatulog ako. Muntik ko pang malawayan ang aklat na ginamit ko. 8:00 pm na nang tingnan ko ang orasan ko. Dali-dali akong pumunta sa kitchen at naghanap ng lulutuin doon. Ngunit nang buksan ko ang food cabinet ko ay saka ko napagtantong wala pala akong pagkain. Napakamot naman agad ako sa aking ulo.

Kailangan ko na namang lumabas!

Napabuntong hininga ako at mabilis na nagbihis at lumabas ng unit ko. Nakakainis!

Kung bakit ba kase pinanganak akong tanga?

Ngunit hindi ko inaasahang madadatnan ko si prof. Devon doon sa labas. Napaka gwapo niya sa suot niyang plain t-shirt na white at black na pantalon. Nang magtama ang paningin namin ay saka niya ako pinagkunutan ng noo. Umiwas agad ako ng tingin  at nagkunwaring busy.

"Where are you going?" Napatingin ulit ako sa kan'ya nang magsalita siya. Nagtaka ako sa tanong niya ngunit sinagot ko pa rin siya. Ayaw ko namang magmukhang bastos.

"Ah sa labas ho....mag-grocery" naiilang kong sagot. Tumango-tango siya at naka pamulsang tumalikod.

"Come with me. Hindi ka dapat umaalis ng mag-isa lalo na't gabi." Sa tinig niya ay parang nanenermon siya. Sumunod na lamang ako dahil takot ako sa dilim.

Ayaw ko sanang sumama pero takot talaga ako sa dilim. Atsaka isa pa, baka may mangtrip sa'kin diyan tsk!
Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong umaalon sa puso ko bigla.

Sasamahan niya ako!





A/N: Hello everyone! Kung may nagbabasa man, welcome sa story na ito. Sana suportahan niyo ako hanggang sa matapos ko itong istorya na ito.

Please kung may napapansin o nababasa man kayong medyo lame at kung may nakikita kayong mali, please don't judge me. This is my first time to write a story at hindi pa po ako pro katulad ng ibang writer. May mga wrong grammar pa po kayong mababasa rito dahil hindi naman ako masyadong magaling pagdating sa spelling.

Ayun lang po. Please vote and comment and then follow me na rin po for you to be updated sa story ko. I have another story po at kung papalarin ay gagawa pa po ako base sa imahinasyon ko. Sana ay suportahan niyo rin po ang iba ko pang mga story.

Thank you and enjoy reading!

@lealezep

EDITED!

Professor's Crush Where stories live. Discover now