PATRICIA"Bakit ang daming alikabok ng upuan ko? Wala bang naglinis dito kahapon?" Inis na ani ni Dimple nang makita kung gaano ka rami ang alikabok sa silya niya. Ganoon din naman sa akin at sa iba pang kaklase namin.
"Ayy, Kase po ate hindi po naka duty ang janitress natin kahapon. May sakit raw ho kase ang anak niya kaya hindi siya nakapunta rito." Paliwanag ni Meena. Siya ang pinakabata sa amin dito pero siya rin ang isa sa mga matatalino.
"Patricia, sama ka sa amin." Biglang sulpot ni Miggy sa gilid ko habang nililinisan ko ang sariling upuan.
"Saan naman?"
"Sa bahay namin malapit lang dito sa school. Birthday ko ngayon at may kaunting salo-salo sa amin mamaya. Ang gusto ko ay kompleto tayong magkakaibigan eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Birthday mo? Nakakahiya wala akong regalo." Anas ko.
"Okay lang ano ka ba? Hindi mo naman alam kase. Ano? Payag ka ba?" Tanong niya.
"Oo sige, anong oras ba?"
"3 pm, mamayang uwian." Tinanguan ko lang siya at nginitian. Ayos lang namang sumama ako dahil hindi naman ito ang unang beses na lumabas ako kasama ang mga kaibigan. Maya maya pa ay kaniya-kaniya na kaming upo sa sariling silya habang nakikinig sa guro na nasa aming harapan.
"The partnership is......" Nagsimulang mag discuss ang professor namin at lahat kami ay tutok lamang sa kaniya.
Marami siyang sinabi at medyo mahirap iyong ipasok sa isip, pero naintindihan ko naman."May naintindihan ka Patricia?" Bulong sa akin ni Miggy bigla. Bahagya akong natawa at mahinang tumango. Inikotan niya ako ng mata at mahinang sinabi ang katagang 'Sana all.'
"Ms. Solmayor!"
Nagitla ako at mabilis na tumingin sa unahan nang marinig kong tawagin ni Miss Marisse ang pangalan ko. Wala si Miss Veina kaya naman siya ang sub Professor namin habang hindi pa dumarating ang bago naming propesor kuno.
"Y-Yes Miss?" Medyo napapahiyang ani ko. Marahil ay nakita niyang nakikipag-usap ako kay Miggy kanina, at akala niya siguro ay hindi ako nakikinig.
"Please stand up." Saad niya na agad ko namang sinunod. Nahagip ng mata ko si Miggy na ngayon ay nag p-peace sign.
"What is partnership according to the Civil Code of the Philippines Article 1767?" Malakas na tanong ni Miss Marisse. Swerte at alam ko ang tungkol dito,nakakatulong talaga ang pag a-advance studying.
"In a contract of partnership, two or more persons bind themselves to contribute money, property, or industry to a common fund, with the intention of dividing the profit among themsel---------
"Excuse me po Miss, may naghahanap po sa inyo." Lahat kami ay napatingin sa may pintuan nang may nagsalita. Ni hindi ko nagawang dugtungan ang naputol kong sagot nang patuluyin ito ni Miss Marisse.
"Please come in Cenah, sino ba ang naghahanap sa akin?" Tanong ni Miss sa kaniya.
"Siya po Miss. Pasok po kayo Sir." Sinenyasan ni Cenah kuno ang taong nasa labas. Medyo nakaharang si Cena kaya hindi ko ito maaninag.
Ngunit nang tuluyan itong papasukin ni Miss ay nanlaki ang mata ko sa pagkabigla, nang makilala kung sino ito. Pumunta siya sa harapan, inilapag ang dalang gamit at deretso akong tiningnan.
Natahimik ang buong paligid habang nakatingin sa kaniya. Ako naman ay nanatiling nakatayo at pinipigilan ang sariling mangilid ang luha. Ang hindi normal at nagkakarambolang pagtibok ng puso ko ay inaasahan ko na.
Ang taong araw araw kong pinangungulilaan at ang taong nais kong makita muli ay narito na sa aking harapan. Hindi ako makapaniwala, nakatitig lang ako sa kaniya habang ang tuhod koy nanginginig na sa kaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/282762006-288-k151384.jpg)
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...