PATRICIA
Dahil sa nangyaring iyon ay mabilis kong tinungo ang unit dahil nag-aalala ako para kay Hazel. Pumara agad ako ng taxi para mas mabilis akong makauwi.
"Ito ho yung bayad Manong salamat." Dali-dali akong bumaba at taxi at umakyat agad apartment.
Pero imbes na si Hazel ay si prof. Devon ang nadatnan ko doon. Nakapamulsa siya na parang may hinihintay. Bakit mas nauna pa siya sakin?
Akmang papasok ako sa unit ko nang bigla niyang hinuli ang braso ko. Hindi ko man lang namalayang nasa unit ko pala siya.
"Yung mga ipapagawa mo, pwede bang mamaya nalang kase.....may kailangan akong gagawin." Saad ko at binawi ang braso ko sa kanya, ngunit agad niya uli iyong hinuli at mahigpit na hinawakan pero hindi naman ako nasaktan.
"Kailangan ko talagang pumasok may pupuntahan pa ako--------
"Let's talk about us." Seryoso ang mukha niya.
"Puro nalang atayo usap wala namang nangyayari. Please! Kailangan ko na talagang pumasok." Pakiusap ko ngunit hindi siya nakinig sapilitan niya akong hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya. Nagtama na naman ang paningin namin.
Hindi ko alam kung bakit parang kakaiba yung mga mata niya ngayon. Kung dati ay puro seryoso at blangko ngayon ay parang nangungusap ang mga ito. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at pakiramdam ko, ito yung unang beses na nangyari iyon. Kung tutuusin ay palagi ko siyang tinitingnan sa mata noon ngunit ngayon ay may iba. Meron akong nararamdamang kakaiba.
"You did not allow him to court you right?" Mahinang anas niya at napaiwas naman ako ng tingin.
"Ano naman ngayon sa'yo?" Iwas tingi'ng tugon ko,sa loob loob ay kinakabahan.
"So you allow him huh? You already said you like me Patricia, don't allow him to court you!" Seryoso niyang sabi.
"Alam mo hindi kita maintindihan eh!" Binawi ko ang braso ko sa kanya at taas noo siyang tiningala,mas matangkad siya eh.
"Hindi ba't may Fiancee ka na? Oo nga't sinabi kong gusto kita pero wala lang naman yun sa'yo diba? Kase nga ikakasal ka na rin naman. Umamin ako sa'yo, pero.......pero ako lang naman ang may gusto!" Pahina nang pahina ang boses ko. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang puso ko.
"Fine! I-I like you too!" Mahinahon niyang sambit na para bang napakababa lang ng salitang 'yun. Nagugulat ko siyang tiningnan pagkuwa'y binigyan siya ng blangkong emosyon.
"Pinaglalaruan mo ba 'ko?" Mahinang usal ko. Natigilan naman siya at mariin akong tinitigan.
"What?"
"Pinaglalaruan mo ba kako ako?" ulit ko.
"Pinaglalaruan? Do you think I'm playing with you? Ganoon ba akong lalake sa paningin mo?" Halos isunggab niya ang kanyang mukha sa akin,umatras naman ako ng bahagya.
"Sa pinapakita mo kase......parang balewala lang sa'yo yung------
" What?--- Do you think madali para sa'kin ang umamin din ngayon?"Putol niya sa sasabihin ko.
" Eh bakit ang dali lang sa'yong sabihing gusto mo rin ako, at ako...... Halos hindi nga ako makahinga sa tuwing kaharap kita eh!" Ani ko.
"Because I'm not you! Babae ka at lalake ako. Anong gusto mo? Umiyak din ako sa harap mo at amining gusto kita?" Saad niya medyo napahiya ako ngunit lamang ang inis ko.
"Okay! Yung pag-amin ko hindi ko sinasadya yun na........nasaktan lang ako dahil------
"Exactly! Ganoon din ako.... Nasaktan din ako kaya umamin ako sa'yo ngayon dahil natatakot akong maunahan ng lalaking 'yun!" Patungkol niya kay Kleinthon.

YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...