PATRICIA
Maaga akong pumasok kinabukasan, upang hindi mahuli. Napapansin ko na kaseng dumadalas na ang pagiging late ko sa klase noong mga nakaraan. Kaya minabuti ko nang wag mahuli ulit ngayon, dahil ayaw kong bumagsak. Babawi pa ako kay tita Hally eh!
"Pat!" Muli na namang umalingawngaw ang boses sa likuran ko.
Sa pagkakataong ito, hinarap ko na siya.
"Ano ang kailangan mo?"
"Gusto kong makausap ka. Pat pakinggan mo ko, makinig ka sa paliwanag ko please!" Mahinahong sambit niya.
Matagal akong tumitig sa kanya bago Nagsalita. " Sige! Magkita tayo mamaya, pero sa ngayon may klase pa ako eh." Sabi ko sa kanya at mabilis na nagliwanag naman ang mukha niya.
" Sige hihintayin kita." Nakangiting sabi niya na tinanguan ko lang.
"Doon ka lang mag hintay sa may coffee shop Yooki. Ako nalang ang pupunta sayo." Walang emosyong saad ko pero ngiti lamang ang itinugon nito.
Tinalikuran ko na siya dahil tumunog na ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase.
Hindi ako makapag focus masyado sa lesson ko dahil puro si Yooki ang laman ng isip ko.
Ano naman kayang ipapaliwanag niya?
"Good afternoon everyone!" Napantig agad ang tenga ko sa boses na iyon.
"Good afternoon Prof. Devon!" Tugon ng mga kaklase ko maliban na naman saken.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. At hindi lang lumingon, lumapit pa.
Nang nasa harapan ko na siya ay nag-angat ako ng tingin sa kanya.
" Bakit po Prof.?" Takang tanong ko sa kanya.Inilahad niya naman ang panyo sa akin na ka agad ko namang tinanggap.
"Nahulog mo." Aniya at tinalikuran na ako.O_O
Napatitig naman ako doon sa panyo na nasa kamay ko na. May kung anong umaalon sa puso ko na hindi ko na naman maintindihan.
"Nasaulian lang ng panyo natulala na." Hindi ko inaasahang sasabihin saken ni Cheryl iyon. Kaya naman tiningnan ko siya ng may nagtatakang tingin pero inirapan lamang ako nito.
Napabuntong hininga uli ako at itinuon ang atensyon sa harapan upang makinig sa itinuturo ni Prof. Devon. Hindi ko na naman maiwasang humanga sa kanya. Gwapong gwapo kase siya sa suot niyang eyeglasses eh. Naka pangguro na uniporme, pero napakalakas ng dating.
"Okay tomorrow we will having a long quiz. Mag study kayo at wag niyo kong bibigyan ng kung ano anong excuse, dahil hindi niyo ko madadaan sa ganyan." Saad niya at mabilis na umalis.
Madali kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas nang harangan ulit ako ni Cheryl.
" Anong problema mo Cheryl?" Pabuntong hiningang sambit ko.
" Ikaw ang problema ko. Nabubuwiset talaga ako diyan sa mukha mo." Mariin at maarteng turan niya. Hindi ko talaga maintindihan tong isang to, masyadong papansin. Kung sino sino nalang ang inaaway.
" Hindi ko rin naman gusto ang mukha mo. Kaya patas lang tayo." Tugon ko at mabilis siyang nilampasan.
" Bitch!" Dinig kong singhal niya ngunit hindi ko na pinansin pa.
Bandang alas singko ng hapon nang makarating ako sa coffee shop. At mabilis ko namang nahanap si Yooki, nakaupo at naka ngiti nang makita ako.
Bumuntong hininga ulit ako bago lumapit sa kanya.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...