KABANATA 37

1.6K 62 7
                                    


PATRICIA

"Patricia anong nangyayari? Bakit may ganito kang issue?" Hindi ko magawang sagutin si Dimple dahil masyado na akong natatakot sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito ang dadanasin ko.

Nasa likod kami ngayon ng gymnasium dahil mainit ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin. Hinatak ako rito ni Dimple at sumama naman ang dalawa.

"Patricia hindi naman yun totoo diba?" Nag-aalala ring tanong ni Ivan.

"Sabihin na nating totoo ang video pero........sino ang kumuha no'n?" Biglang sabat ni Miggy kaya napatingin kami sa kaniya. Napabaling naman ako kay Dimple nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kahit ano pang sabihin nila sa'yo, kahit ano pang ibig sabihin nung video, mananatili kami sa tabi mo okay?"  Saad niya kaya muling nangilid ang luha ko. 

"Tama si Dimple Patricia. Nandito lang kami para sa'yo." Saad naman ni Miggy.

"Makikinig kami sa'yo Patricia. Kaibigan mo kami kaya dadamayan ka namin sa hirap at ginhawa." Sabat naman ni Ivan kaya mabilis siyang nilingon ni Dimple.   "Oh bakit ganiyan ka makatingin?"

"Sa hirap at ginhawa? Bwahahahahha! Talaga ba Ivan?"

"Oo naman kaya ko kayong  protektahan kahit ikapahamak ko pa." Proud na sabi ni Ivan kaya muling tumawa ng malakas si Dimple.

"Ano ba! Anong nakakatawa?" Inis na singhal ni Ivan sa kaniya.

"Kahit ikapahamak niya pa raw. Eh nung pumasok kami sa haunted house doon sa park, nakakita lang siya ng putol na ulo ng manekin kumarapas na nang takbo bwahahahaha!" Pang-aasar ni Dimple sa kaniya, tumawa rin ng malakas si Miggy. Namula naman sa inis at pagkapahiya si Ivan kaya sinamaan niya ang dalawa ng tingin.

"Ako lang ba haa? Eh ikaw rin kaya takot doon sa nakaputing babae na may mataas na buhok!" Sigaw ni Ivan kay Dimple.

"Ano? Hindi no! Nagulat lang talaga ako dahil bigla siyang lumabas." Dipensa naman agad nito.

Sa isang iglap ay nawala bigla pangamba ko dahil nandito sila. Paano kung wala sila rito? Paano kung katulad ng iba huhusgahan rin nila ako? Ano nalang ang mangyayari sa akin?

Napagdesisyunan naming bumalik sa classroom dahil  mayroon pa kaming report. Habang naglalakad sa campus, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin nang may nanghuhusgang mata. Tiningnan ko sila pabalik baka sakaling tigilan nila ako pero......Tinitingnan nila ako ba para bang mayroon akong  nakakadiring sakit  na hindi dapat lapitan.

Sa isang video lang ganito na agad ang nangyari. Hindi ba nila alam tumingin sa sitwasyon? Bakit hindi muna sila nagtanong sa'kin bago ako kutyain? Bakit hinusgahan nila ako agad nang walang nakikitang proweba?

"Sa dami ng issue na narinig ko rito sa campus, yung sa kaniya yung worst."

"Sinabi mo pa. Student na nakipag flirt sa Professor yuckk!"

"Hindi ba siya nahihiya? At kung sino man yung professor na kalandian niya, I'm sure matatanggalan yun ng trabaho."

Iyon ang mga komento ng mga estudyante na sinadyang iparinig sa akin habang dumadaan ako. Yumuko ako at nagmadaling umalis. Nagmadali na rin si Ivan habang si Miggy naman ay inaawat pa si Dimple dahil inaaway niya pa yung mga nagbubulungan.

"Dimple tara na. Huwag kang gumawa ng iskandalo baka mamaya ikaw naman ang magka issue."

"Nakakainis eh! Nakaka bwiset silang lahat!" Dinig kong sigaw ni Dimple. Binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa marating ko third floor. May mga iilang  estudyante ang tumingin sa akin at nagbulungan nang dumaan ako doon, pero hindi ko na sila pinansin.

Professor's Crush Where stories live. Discover now