HAZELTatlong linggo na ngunit di pa rin gumigising si insan. Halos lahat kami ay walang tulog dahil binbantayan namin siya at ayaw naming mawala sa tabi niya. Pinagmasdan ko siya ngayon pero ang himbing ng tulog niya. Payapa siyang tingnan pero alam kong naghihirap siya.
Kung bakit ba kase nakuha niya pa ang sakit ng mama niya eh!
Sumugod si Ted sa school nila nung mabalitaan ang kumakalat na issue tungkol kay insan. Kahit ako ay galit na galit na no'n at halos gusto ko nang manapak. Wala silang karapatang husgahan si insan. Nakita ko ang video at ang masasabi ko lang, tangina nung nagsasalita doon. Kapag nakita ko yung babaeng yun ilalampaso ko siya sa simento.
Gustuhin ko mang magalit kay Devon hindi ko magawa dahil alam kong wala siyang kasalanan. Si tita naman ay hindi makapaniwala sa nangyari. Noong malaman niyang nililigawan nga talaga ni Devon si insan, nadismaya siya. Nadismaya siya hindi lang kay Devon kundi pati sa'kin. Okay lang, kasalanan ko rin naman dahil nagsinungaling ako sa kaniya. Pinagtakpan ko si Patty at sinabi ko na si Kleinthon ang manliligaw niya at hindi si Professor Devon.
Si lola ay palaging umiiyak. Si lolo naman ay hindi kumikibo at palaging umaalis para pumunta sa simbahan. Ipinagdadasal niya siguro ang kaligtasan ni insan. Si Ted na pangit ay mas lalong pumangit charot! Isa pa siya. Hindi na siya makausap ng maayos. Simula nung malaman niya ang dahilan kung bakit narito ngayon si insan, binugbug niya si professor Devon. Hindi naman lumaban ang isa pero walang emosyon ang mukha niya. Si professor Devon ang naghatid kay insan dito at pilit siyang pinapaalis ni Ted. Ayaw ni Ted na papasukin siya pero pinagsabihan siya ni tita. Ngayon malaya nang nakakalapit si professor Devon kay insan at ako naman ngayon ang nag-aalala sa kaniya.
Ilang araw na siyang walang pahinga at saktong tulog dahil binbantayan niya magdamag si insan. Lalaki siya pero nagmumukha siyang bakla sa tuwing umiiyak siya. Hindi naman patay si insan pero iniiyakan niya. Baka siya yung patay, patay na patay kay insan.
Abala ako sa pag-aayos ng pagkaing dinala ni professor Devon ngayon. Palagi siyang may dala pero hindi naman siya kumakain. Bahala siya baka diet. Natigil ako sa ginagawa nang pumasok si Ted kasama silang lahat kasunod ang doctor ni Patty. Kasunod naman ng doktor ang daddy ni Patty. Si Tito Gorman at narito din ang asawa niya.
"Tita ano pong meron?" Tanong ko kay tita. Tumingin siya sa'kin at pilit na ngumiti. Para kang smirking pig tita.
"I'm here to inform all of you this, since you deserve to know. The patients health's getting worst. Mayroon na lamang 30% na tiyansa na gumaling pa ang puso niya. I already told you before. You need to find a heart donor in order for her to be save. " Alintaya ng doktor kaya nanlumo ako. Ayokong mawala si insan. Hindi ko kaya, lahat kami ay hindi kakayanin iyon. Lalong-lalo na si tita.
Napatingin ako kay Devon ngayon na nasa tabi ni insan. Nakaupo siya at walang kibo habang hawak hawak ang kamay ni insan. Ganyan siya palagi. At kahit hindi ko naman siya kaano-ano, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganiyan. Umiiyak at palaging sinisisi ang sarili. Sa tuwing narito siya paulit-ulit lamang ang naririnig kong sinasabi niya. Paulit-ulit siyang nagmamakaawa na gumising na si insan. Kinakausap niya ito kahit tulog. Buang ba siya?
Umalis ang doctor at umalis rin saglit sina tita. May pupuntahan si tito Gorman at ang asawa niya kaya wala na rin sila dito ngayon. Pinilit ko na rin si professor Devon at sinabihang mabaho siya kaya umuwi na siya para magpalit. Hindi naman siya mabaho, mabango nga eh. Gusto ko lang talaga siyang makapagpahinga. Ako ang nagpaiwan dahil natulog naman ako kanina nung narito pa sila tita.
"Hoy insan gumising ka na uyy! Ang daya mo, ikaw tulog na tulog diyan tapos ako ang daming hugasin. Well hindi ka naman pinapahugas ni tita pero kase........ako rin yung pinapalinis niya ng buong bahay." Reklamo ko sa kaniya habang siya tulog pa rin. Buang na din siguro ako katulad ni professor Devon.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...