KABANATA 5

2.5K 86 3
                                    

PATRICIA

Lunes ngayon at araw na naman ng pasukan. Kaya maaga na naman akong gumising para hindi mahuli sa klase. Ganito naman talaga palagi kapag nag-aaral diba?

Charr!

Nasa harap na ako nang University ngunit may natanawan ako malapit sa parking lot. Nakatingin na rin siya sa akin at bakas din ang gulat sa mata. Ngunit agad kong binawi ang gulat ko at akmang lalampasan na sana siya ngunit, dali dali niya akong tinawag. Kaya naman wala akong magawa kundi ang harapin siya.

"Pat?" Nakangiting tawag niya na para bang walang nangyari sa pagitan namin. Na para bang.......hindi siya nang-agaw. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"kamusta ka na Krishna?" Walang bahid ba emosyon kong bati sa kan'ya. Ngumiti naman siya sa'kin ng pilit.

"Maayos naman. Ikaw?.....Long time no see." Ngiti niya ngunit halatang pilit lamang iyon.

"Masaya bang mang-agaw?" Deretsong tanong ko kaya naman napaangat siya ng tingin sa'kin. Alanganin at parang may bakas na takot sa mata niya. "Siguro masaya ka na ngayon kase, nakuha mo na ang gusto mong makuha sa'kin. Nagtagumpay ka sa pagkuha kay Yooki,.....ang dinig ko ay ikakasal na kayong dalawa." Muling dagdag ko at mas lalo pang bumakas ang takot sa mukha niya.

"P-Pat..... Hindi ko sinasadya! Patawarin mo ko!" Nanginginig na ani niya habang hinahawakan ang kamay ko. Napaiwas naman ako ng tingin at pinigilang lumuha.

Ngayon naging maamong tupa ka bigla.

Gusto ko na nga siyang sampalin ngayon eh. Pinipigilan ko lang baka kung ano pang mangyari. Mahirap na masyado pa namang mapag panggap 'tong si Krishna.

"Alam ko naman eh! Noon palang alam kong may gusto ka kay Yooki. Na kinaibigan mo lang ako para maagaw mo ang atensyon niya." Sabi ko at binawi ang kamay niya.

"Hindi.......hindi gano'n yun! Pat totoong gusto kong makipag kaibigan sa'yo. P-pero....pero kase h-hindi ko sinasadya'ng mahulog kay Yooki. Hindi ko sinasadya'ng sirain kayo--------

" Sinungaling!" Mariing putol ko sa sinabi niya at natigilan naman siya at nagsimula nang humagulhol.

" P-Pat." Umiiyak na ani niya.

"Kung aagawin mo siya, sana hindi sa panahon na 'yon. Sana hinintay mo munang mailibing ang mama ko, para naman may karamay naman ako kahit pa paano! Pero wala eh....pinagsabay yata ng panahon na saktan ako." Umiiyak na rin na sabi ko. Kita ko naman ang gulat sa mata niya.

" Pa-patay na si tita?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ako ng sarkastiko at pinahid ang luha ko.

" Bakit? Ano naman ang pakialam mo kung namatay siya? Hindi ba't mas okay nga yun sa'yo? Doble ang sakit na idinulot no'n sa'kin."Sarkastikong saad ko at natigilan naman siyang umi iling-iling.

" P-Pat hindi ako gano'n please! Sobrang mahal ko lang talaga si Yooki kaya-------

"Kaya ayos lang sa'yo na maka sakit ka ng tao!" Mariing sabi ko kaya mas nagitla pa siya at muling humikbi.

"I'm sorry!" Tanging nasabi niya.

"Kailangan ko nang pumasok. Excuse me!" Mabilis kong sabi at dali-daling tinalikuran siya. Hindi naman siya humabol o tumawag pa, pero dinig ko parin ang hikbi niya.

Inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa klase.

Tsk! Sana lang ay hindi namumugto itong mata ko. Magmumukha na naman akong inagawan ng candy nito...

"You're late!"

O_O

Tinig agad ng hindi ko kilalang lalaki ang bumungad sa'kin. Ngunit gano'n pa man ay yumuko na lamang ako para gumalang.

Professor's Crush Where stories live. Discover now