PATRICIA
Nakatayo ako ngayon at panay ang palakpak sa dalawang taong kinasal.
Oo, araw ngayon ng kasal ni Yooki at ni Krishna. Kakatapos lamang halikan ng groom ang bride at nag request na agad ang mga tao ng halik na naman.Makikita mo sa mukha ni Krishna ang saya ngunit sa tuwing mapapatingin siya kay Yooki ay nawawala ang ngiti niya. Si Yooki kase ay ngumingiti lang ng kaunti at halatang pilit iyon. Lamang ang nakikita kong lungkot sa mga mata niya, at sa tuwing tumitingin siya sa'kin ay pinipilit niyang ngumiti.
Anong nangyari Yooki?
"Mabuti at dumating ka Pat, masaya akong dumalo ka." Sinserong nakangiti at sabi sa akin ni Krishna nang lapitan niya ako. Ngumiti ako sa kan'ya ng walang halong kaplastikan.
"Masaya ako para sa'yo Krishna, kasal ka na at magkakaanak na. Be happy okay?" Nakangiting saad ko, niyakap niya naman ako at niyakap ko rin siya pabalik.
Sunod na lumapit ay si Yooki. Yumakap agad siya at pilit na ngumiti. Kita ko sa dalawang mata ko na pinagtitinginan kami ng mga tao. Lalo na sa mga kaklase namin noon na saksi sa relasyon namin ni Yooki. Kadalasan sa kanila ay parang nanghihinayang ang mukha.
"I'm happy for you Yooki! Sana naman masaya ka rin, magkakaanak na kayo oh! Kaya ngumiti ka naman diyan." Biro ko kunwari kay Yooki pero seryoso ako sa sinabi ko. Ngumiti naman siya at umiling-iling.
"Salamat Pat! Thank you at dumalo ka. Kung alam mo lang mahirap mag move-on, pero ngayon ay sinisimulan ko nang kalimutan ang nakaraan natin." Malungkot na sabi niya at natigilan ako.
"Yooki, may ipapakiusap lang sana ako." Sambit ko sa kan'ya.
"Ano yun?" Nakangiting tugon niya.
"Mahalin mo si Krishna bilang asawa mo at mahalin mo rin ng higit ang magiging anak niyo. Iparamdam mo sa kanila ang pagmamahal mo Yooki, dahil ako.....naranasan ko kung gaano kahirap ang lumaking walang tatay." Seryoso kong wika. Natigilan siya at ngumiti,kalauan ay niyakap ako nito at tahimik na humagulhol sa baliakat ko.
"H-Hoy ano ba!!" Nagugulat akong tiningnan ni Yooki nang singhalan ko siya.
"Wag mo ngang luhaan yung balikat ko. Nakakadiri ka kalalaking tao napaka iyakin! Atsaka sayang yung suot ko kung babasain mo ng luha." Asik ko at umiiling naman siyang natatawa. Nakita ko ring natawa si Krishna at mga kaklase namin noon.
"Kahit kailan ay wala kang pinagbago Pat. Masaya rin akong masaya ka, I hope we can see each other often." Sambit niya.
"Hindi na, bantayan mo nalang mag-ina mo." Tinapik-tapik ko siya sa braso at nginitian. Nagpaalam siya at pinuntahan ang iba pang bisita.
Tinawag ako ng kalikasan kaya naman pumunta agad ako sa cr. Nang matapos akong umihi ay naghugas na ako ng kamay nang may biglang pumasok.
It was Yooki's mom. Nakatingin siya sa akin na parang nag-aalangan. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako, hinawakan niya ang braso ko at nang mapansing nakatingin ako doon ay napapahiyang binitawan niya ito.
"Ano hong kailangan niyo?" Walang emosyon kong sabi.
"I'm so sorry Patricia!" Mahinang sambit niya. Natigilan naman ako.
"Saan?"
"I was so selfish that time. Puro negosyo lang inisip ko, hindi ko inisip ang nararamdaman ng anak ko lalo na sayo." Sinsero niyang sabi. Pilit naman akong ngumiti.
"Wala na po yun, wag na nating isipin. Atsaka kasal na po si Yooki, mahal na mahal din naman siya ni Krishna. Sigurado akong magiging perpektong pamilya sila." Saad ko. Mapait siyang ngumiti sa akin.
YOU ARE READING
Professor's Crush
RandomPatricia Solmayor. A woman who doesn't care about the world especially in love. For her, it is better to live without love. But her perspective changed when she met her professor. Sometimes there's a strange to her feelings, especially when she lo...